She's Yours, you're MINE

33 1 2
                                    

She's Yours, you're MINE

by: geiaVenese15

PAG-IBIG, isang salita na kayang magpabago ng buhay ng isang tao, isang salita na pwedeng gawing komplikado ang lahat ng mga bagay sa mundo at isang salita na pwedeng magbigay saya o lungkot sa nararamdaman ng isang tao. Isang dahilan kung bakit may mga taong gumigising ng nakangiti, pero ito din ang dahilan kung bakit sila natutulog ng umiiyak.

Isa sa pinakanormal na pakiramdam sa mundo ay ang magkaroon ng crush, ito ay nararamdaman ng lahat at napagdadaanan ng lahat lalong lalo na ang mga babaeng tulad ko. Kapag may crush paniguradong may kilig na kasunod yan, yung tipong hindi niya alam na siya pala ang dahilan kung bakit may mga kuryenteng nagpapakilig sa akin.

 Ayos lang sakin kung hindi niya ako magustuhan, alam ko namang may mga taong nagkakagusto din sa kanya. At ayaw ko namang maging sakim lalo na't alam kong di ko sya pag aari. Kaya ito ako ngayon, sulyap sulyap lang. Sa totoo lang masarap sa pakiramdam na mahal ka din ng taong mahal mo, yung may taong kaya kang protektahan sa kahit ano mang oras, kayang iparamdam sayo na isa kang prinsesa kahit hindi naman talaga siya isang  tunay na prinsipe.

  But what if malaman mo na yung ONE GREAT FRIEND mo pala ang gusto ng ONE GREAT LOVE mo??  Paano kung ang tingin nya sayo ay isang schoolmate lang?? Aminin man natin o hindi, sobrang sakit nung nagbigay ka na halos wala ng natira para sa sarili mo tapos malalaman mong may iba pala syang mahal, and sad to say, its your BESTFRIEND/SISTER.

She's Yours, you're MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon