"Wag na wag mong sabihin sa kahit na sino man ang magiging usapan natin ngayon. Dapat hindi malalaman ng kahit na sinuman dahil buhay ko ang nakasalalay dito." Ito ang sabi ng lalaking nasa kabilang linya. Pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano siya paniniwalaan dahil may mga tao talagang wagas kung manloko lalo pa't nasa mahirap na sitwasyon kami ngayon.
"Bakit, sino ka ba?" Tanong ko pa sa kanya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mas importante ay makinig ka sa akin dahil alam ko kung saan nila dinala ang anak mo." Sagot pa nito. Hindi ko mawari kung ano nga ba ang kailangan nila basta ang nasa isip ko lang ay wala akong panahon para makipag-usap sa mga ganitong klaseng tao. Kaya sinagot ko na siya ng pabalang.
"Ikaw, putangina mo, wag mo nga akong pinagloloko. Alam kong nanloloko ka lang ng mga tao para sa katuwaan pero hindi ko binibili yang mga pinagsasasabi mo!" Sa sobrang pagkairita ay agad kong ibinaba ang telepono.
"Sir, okay lang po ba kayo?" Bigla akong nagulat nang biglang may nagsalita, kaya lumingon ako kay Marites na bumati sa akin na may halong pagtataka sa kanyang mukha.
"Ay, Marites, ikaw pala. Oo okay lang ako." Tanging nasagot ko sa kanya matapos akong sumigaw sa cellphone.
"Nakahanda na po ang almusal, Sir."
"Sige, sige. Susunod lang ako."
Iniligpit ko na yung mga gamit ko at nasa kalagitnaan ng pag-iisip kung tama nga ba ang naging asta ko sa taong posibleng may impormasyon tungkol kay Teresita nang muling nagsalita si Marites.
"Ay, Sir. Magpapaalam na rin po sana ako sainyo. Nagkasakit po kasi ang asawa ko kaya kailangan ko pong umuwi ng probinsya." nalulungkot na pagpapaalam sa akin ni Marites.
"Nako, ganoon ba? Sige, sige kailan ka aalis?" Tanong ko sa kanya.
"Bukas po. Nakapagpaalam na rin po ako kay Ma'am kagabi. Ikinalulungkot kong sasabihin to, Sir pero hindi na po yata ako makakabalik dahil grumabe raw po ang kanyang kalagayan. Kaya kailangan niyo na po sigurong humanap ng ibang katulong."
Napatapik na lamang ako sa kanyang balikat bilang pagsagot sa kanyang pamamaalam. Hindi ko masabi sa kanya sa mga salita pero ang pahiwatig nito ay dinadamayan ko siya. Matagal na naming kasambahay si Marites, kaya pamilya na rin ang turing namin sa kanya. At dahil doon ay hindi ko maiwasang isipin na sadyang pinutakte talaga ng kamalasan ang bahay na ito.
Sumunod na ako sa kanya sa hapag kainan nang bigla muling nagring ulet ang cellphone ko. Parehong number pa rin ang tumatawag. Lumabas ako muli para sagutin ito.
"Ako lang ang tanging makakatulong sayo. Kung ayaw mo akong paniwalaan ay nasa sayo na yon. Pero sasabihin ko sayo na hindi mo na masasalba ang buhay ng anak mo kung ganoon man ang sagot mo sa alok ko." Noong sinabi niya ito ay unti-unti na akong nakukumbinsi. Pero hindi pa rin mawala-wala ang pagdududa ko sa kanya.
"Nagsasabi ka ba talaga ng totoo? Paano kitang mapagkatiwalaan?" Tanong ko pa sa kanya.
Ilang segundo siyang tumahimik bago niya sinagot ang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...