Lihim na Pagtangis
Ni: Bb. Aren
(I)
Hindi ko maunawaan, sila
Silang mga dahilan ng pagtangis ko bigla.
Hindi ko na sila maintindihan.
Hindi kami ganito, no'ng una pa lang,
(II)
Lumipas ang mga taon.
Kasabay ng paglipas ng panahon,
Tinatangay'ng palayo ng alon.
Ang sakit ang mananatiling nakabaon,
Sa mundong makikita sa sariling dimensiyon.
(III)
Ilalathala ang aking saloobin sa pagtula,
Gagamitin ang mga letrang magkakatugma.
Ihahayag ang kaanyu-an sa madla,
Ipakikita ang parteng mahina.
(IV)
Lihim na pagtangis,
Paraan upang maitago ang tunay na wangis.
Sa baybayin ng maruming batis,
Balot na balot ng kahungkagan at pagtitiis.
Wakas..
YOU ARE READING
My Creation-[On GOING] (Unedited)
PoetryMy creation is all about EVERTHING..This is a spoken poetry,short story etc.. #752- Spoken