Characters:
Ate/Jessica
Jake
Mama/Janice....
Mama: Jess alam mo ba nakapasok si Jake sa basketball team.
Jessica: Talaga ma?
Mama: Oo at mamaya na ang unang laro nila.
Jessica: Wow naman! Puntahan ko nga siya para icongratulate.
....
(Pumasok si Jessica sa kwarto ni Jake)
Jessica: Congratulation bunso!
Jake: Salamat ate.
Jessica: Teka, 'yan ba ang susuotin mo mamaya?
Jake: Oo, bakit?
Jessica: Bunso naman, ibahin mo naman ang style mo ngayon.
Jake: Ahh osige ate.
Jessica: Sige, aalis na ako dahil may pupuntahan pa ako. Babalikan lang kita mamaya dito para ihatid ka sa laro mo mamaya.
Jake: Osige po.
....After 5 hours....
Jessica: Bunso! Nandito na ako! Ready ka na ba?
Jake: Opo ate! Lalabas na po ako sa kwarto!
(Lumabas si Jake sa kwarto)
Jake: Okey na ba ang suot ko ate?
Jessica: Bu-bunso bakit baliktad ang suot mo?
Jake: Diba sabi mo na ibahin ko ang style kaya binaliktad ko.
Jessica: Ayy tanga! (Nasa isip)
Jessica: Bunso ang ibig ko naman sabihin ay ibahin mo ang damit mo.
Jake: Ahh ganoon ba ate? Sige, magbibihis muna ako.
.....
Location: School Gymnasium
Jake: Excited na ako ate.
Jessica: Break a leg in your game bunso.
....After 4 hours....
Ring! Ring!
Mama calling...
Jessica: Hello ma?
Mama: Jess ang kapatid mo!
Jessica: Bakit? Anong nangyari ma?
Mama: Nandito kami ngayon sa ospital. (Sabay iyak)
Jessica: Ha! Bakit? *panic*
Mama: Anak nabalian ng binti ang kapatid mo.
Jessica: Nabalian ng binti? 'Yon ba ang pagkakaintindi niya sa break a leg na sinabi ko? (Nasa isip)
Jessica: Sige ma pupunta na ako diyan sa ospital.
...
Location: Ospital
Jessica: Hindi ka kasi nag-iingat bunso kaya nagkaganyan ka.
Jake: Huh? Diba ikaw pa nga ang nagsabi na baliin ko ang binti ko?
Jessica: Hayy naku bunso! Ang ibig ko namang sabihin ng break a leg ay good luck.
Jake: Ganoon ba 'yon ate? Hindi mo naman sinabi.
Jessica: Homaygash! (Nasa isip)
....After 3 weeks....
Jessica: Ohh bunso. Pinayagan ka na ng doktor na pumasok pero ingatan mo ang paa mo ha. Nakasemento parin 'yan kaya mag-ingat ka.
Jake: Pero ate pwede bang makahingi ako mg pera?
Jessica: Naku bunso, butas ang bulsa ko ngayon ehh.
Jake: Ahh...
...
(Umuwi na si Jessica galing sa trabaho)
Jessica: Bunso anong hinahanap mo diyan sa closet ko?
Jake: 'Yong pantalon na suot mo kahapon.
Jessica: Bakit mo naman hinahanap 'yon atsaka bakit may dala kang sinulid at karayom?
Jake: Tatahiin ko sana ang butas na bulsa mo.
Jessica: Butas ba ang bulsa ng pantalon ko kahapon?
Jake: Diba ikaw pa nga ang nagsabi?
Jessica: Grabe besh! Bobo overload! (Nasa isip)
...
Jessica: Bunso sabi ni mama kasali ka daw ngayon sa quiz bee sa school niyo. Galingan mo ha, tirisin mo na parang kuto ang mga kalaban mo.
Jake: Osige po ate.
...
Ring! Ring!
09********* calling...
Jessica: Sino naman kaya itong tumatawag? (Nasa isip)
Jessica: Hello? Sino 'to?
???: Si miss Jessica po ba ito?
Jessica: Opo, bakit po?
???: Principal po ako sa school ng kapatid mo. Tinawagan kita dahil kailangan mong pumunta dito ngayon.
Jessica: May problema po ba?
Principal: Mas mabuti po kung pumunta ka na lang dito.
...
Location: Principal's Office
Jessica: Ano po ba ang problema?
Principal: Nadisqualify po kasi sa quiz bee si Jake.
Jessica: Po? Bakit po?
Principal: Hindi nga namin alam kung bakit niya ginawa 'yon.
Jessica: Ano po ba ang ginawa niya?
Principal: Tiniris niya po kasi ang ulo ng kalaban niya.
Jessica: Ti-tiniris?
Principal: Opo.
Jessica: Nakakaloka na! (Nasa isip)
Jessica: Don't worry po, kakausapin na lang po namin siya ni mama.
...
Location: BahayJessica: Bunso! Bunso!
Jake: Bakit po ate?
Jessica: Bakit ba walang kwenta ang utak mo?
Jake: Wait lang ate, kukuha muna ako ng calculator.
Jessica: Anong gagawin mo sa calculator?
Jake: Icocompute ko muna kung ilan ang kwenta ng utak ko.
Jessica: Ayoko na! Naloloka na talaga ako! Paano siya nakasali sa quiz bee kung ganyan siya mag-isip?! (Nasa isip)
End of the Story....
BINABASA MO ANG
Bobonsong Kapatid
Short StoryShort comedy. Nasobrahan yata siya sa katalinuhan kaya sineseryoso at sinusunod niya ang lahat ng sinasabi ko.