Chapter 2: Wth?!!

15 1 0
                                    



Ng matanaw ko na ang gate ng village kung saan nakatayo ang mansyon "daw" ng Gunn Family mas lalo kong pinatulin ang takbo ng aking Veneno. Konting tiis na lang Amanda makakapiling mo na rin ang iyong malambot na kama. Hayys.

Ngunit bago ko pa man maipasok ang aking Veneno sa gate, may bastos na negrong humarang sa daraanan ko. Napasubsob tuloy ang mukha ko sa manibela ng aking kotse. Punyemas!

Bakit ba ang daming epal na lalaki sa buhay ko? Buti ba sana kung gwapo eh kaso hindi. Nyeta talaga oh!

Lalabasin ko na sana kung sino mang demonyo ang humarang sa daraanan ko ng may kumatok sa bintana ng kotse ko. Ibinaba ko ang window glass ng kotse. Handang handa na kong sigawan kung sino mang animal yun ngunit naitikom ko ang bibig ko ng mapagtantong si manong guard pala iyon. Pasalamat ang matandang ito at may respeto ko sa matatanda kung hindi mawawalan sya ng trabaho ora mismo.

Tiningnan ko sa mata si manong guard, nakita ko kung pano tila nanlambot ang expresyon ng mukha nya. Hindi niya siguro akalain na ako ang makakaharap niya.

"May problema ho ba manong?"
Pigil na pigil kong sabi. Gustong gusto ko talaga siyang sigawan pero pinipigilan ko lang sarili ko. Marunong pa naman akong rumespeto kahit konti.

Bahagyang yumuko si manong guard, ramdam kong hiyang hiya siya sa akin. "Pasensya na po Ms. Amanda. Hindi ko po akalain na kayo ang lulan ng sasakyang ito. Napansin ko po kasing masyadong mabilis ang pagpapatakbo nyo ng inyong sasakyan kaya balak ko lang po sana kayong kausapin upang pabagalin ng kaunti ang inyong pinapaandar. Baka -"
"Tapos ka na ba? May sasabihin kabang mas importante dyan?" Putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Lalo lang nag iinit ang ulo ko sa pagsasalita niya. Masyado siyang maraming sinasabi, nakakairita!

"Wala na po Ms. Amanda. Pasensya na po." Nakayuko pa rin niyang sabi. Nararamdaman ko ang kaba at takot niya. Ni hindi siya makatingin sa mata ko. Inaano ko ba siya dyan?

"Pwede na ba kong umalis?"
"Opo Ms. Amanda. Pasensya na po ulit"

"Sige. Tumabi ka."
"P-o?" Nauutal niyang tanong. Isang inarte pa neto, may sapak nato.
"Ang sabi ko tumabi ka. Aalis na ko. Kailangan ko pa bang ulitin ulit?"
"H-indi po Ms. Amanda. Pasen-"
"Punyetang pasensya yan, kanina pa, nakakarindi na. Pwede ba? Padaanin mo na lang ako lintek na yan!" Sigaw ko. Pasensyahan, hindi ko na napigilan ang inis ko.

"Op-o. Opo" Hindi na ko sumagot pa at pinaharurot ko na lamang ang aking sasakyan patungo sa bahay. 'Pag narinig ko pa ang boses niya baka hindi lang sigaw ang matikman niya.

Makalipas ang halos limang minuto nakarating na rin ako sa bahay. Binuksan ng aming guard ang gate ng bahay ng bumusina ako. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa garahe at inis na lumabas ng kotse.

Pagpasok ko ng pinto sinalubong agad ako ni mommy.
"Oh? What's with your face baby girl?" Kinuha ni mommy ang gamit ko at inalayan akong makapasok.
Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Wala ako sa mood para makipag lambingan sa mommy ko. Baka pati siya madamay sa init ng ulo ko.

Aakyat na sana ko ng hagdan ng pigilan ako ni mommy. Susme!

"Mom please. Not now" Not now. Wag ngayong mainit ang ulo ko.
"Baby girl. What's wrong? Tell me. Gutom ka na ba? Ipapahanda ko kay manang ang paborito mo."

Hinarap ko si mommy. Huminga muna ko ng malalim bago siya sagutin.
"Mom. Hindi po ako gutom"

"Then ano gusto mo baby? Sabihin mo kay mommy."
"Bed. Gusto ko ng humiga mom. Gusto ko magpahinga. Please."

Binitawan ni mommy ang braso ko at niyakap ako. "Okay baby girl. Go to your room. Rest. Alam ko pagod ka galing school. Gusto mo bang padalhan kita mamaya sa room mo ng pagkain?"

"No mom. It's okay. Bababa ako kung gutom ako."
Hinalikan ako ni mommy sa pisngi at binitawan niya na ko mula sa pagkakayakap niya.
"Okay baby girl. Go to your room now."
"Okay mom. I love you mommy"
"I love you my princess"

Tumalikod na ko at umakyat na ng hagdan. Papakawalan din naman pala ko ni mommy pinatagal pa.

Konting konti na lang talaga mayayakap ko na ang aking kama.

Hinanap ko sa bulsa ko ang susi ng kwarto ko. Oo, nila-lock ko ang kwarto ko. Ayokong pinapakealam ang mga gamit ko. Kahit sina mommy or daddy hindi nila pinapasok ang kwarto ko kapag wala ako.

Sa pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto...

"What the hell?!!"

End of chapter 2

Ps: Ano kayang nasa loob ng kwarto niya at ang OA ng ating Amanda? Hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

World's ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon