viii Buhay Singgol

61 4 0
                                    

Masarap din palang maging single ka ng mahabang panahon. Tinutok ko ang atensyon ko sa mga nagmamahal sakin, kaibigan at pamilya ko. Pero shempre hindi sa pagaaral, aminado naman akong tamad ako magaral. Pero complete attendance ako lage. Sayang din yun kahit natutulog lang ako sa klase. Atleast, PRESENT! HAHAHAHAHA

Masarap din sa pakiramdam yung wala kang ginagawang kwento para lang makalusot ka sa kasinungalingan mo. Yung wala kang masasaktang tao dahil sa mga kalokohan mo. Hindi naman kasi porke sinabing masarap magmahal ay ibibigay mo na ang buong buhay mo sa taong yun. May kanya kanya tayong buhay na ginagalawan. Matuto tayong palawakin ang mundo natin sa ibang bagay at ibang pagkakataon. Mula doon malalaman natin ang kahalagahan ng bawat aspeto ng ating buhay. Naiinis ka ba kasi lagi ka nalang nasasaktan? Ako din eh. NOON. Pero sa mga naranasan at natutunan ko ngayon. Masasabi ko nalang tama din pala na nasaktan ako ng sobra NOON kasi ang dami kong natutunan.

Gumraduate ako ng kolehiyo. Simpleng selebrasyon lamang ang naganap. Masaya na ako sa simpleng pagdiriwang kasama ang aking pamilya at malalapit na kaibigan. 

At dahil nasa paglilibang pa ako ng aking kabataan hindi agad ako nagapply ng trabaho.

Buhay single = tambay, gala, gimik, fb, dota

At kung anu-ano pang paglilibang. ANU FAH?

Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon