Pa vote po ah! Tsaka comments na rin!
-Patricia
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Harriet's POV
*kriiiiiiinggggggg kriiiiiiiinggggg*
Pakshet, ang aga aga, tumunog na ang alarm clock ko.
Di kasi ako tulog mantika, kaya pag may konting ingay, nakakagising na ako.
You know, napuyat ako kakaiyak sa pesteng lalakeng yun. 2 months passed.
Sariwa pa rin ang panlolokong ginawa niya sakin.
Naligo na ako at nag bihis.
Nagsuklay at inihanda ang bag para mamaya.
Ako nga pala si Harriet Mae Hernandez. 17 years old. 4th year na ako, sa Mendoza University. Hilig ko ang maggitara at violin. Bopols talaga ako sa sports, swimming lang talaga.
Ano pa ang gusto niyong malaman? Height? Weight? Size ng T-shirt? Sapatos? NAKO! WAG NALANG! HAHA!
Bumaba na ako para kumain.
"Good morning anak! Kumain ka ng marami, since first day of school ngayon. Wag kang magpalate! Dapat ngayong school year, top 1 ka pa rin ah! Do not DISAPPOINT me!" pagsalubong ni Mama sakin.
Hay, si Mama talaga. Memorize ko na yung line niya. Paulit ulit.
Binigkas niya talaga ang DISAPPOINT ng malakas. Kasi nung nagbreak kami, na apektohan yung studies ko. Kaya ayun, salutatorian lang ako. Proud daw siya sakin. Pero alam kong nadisappoint siya masyado.
Di niya kasi alam na nagkaboyfriend ako. Di pa ako pinapayagan! Grabe tong si Mama, kakalbuhin daw ako pag nagboyfriend kahit CRUSH LANG! Kaya, yun.....
"TAMA NA ANG PAGTUTUNGANGA DIYAN! AT TUMAYO KA NA!" sumbat ni Mama.
Wapak! Tama! Malelate na ako!
"Sige Ma, alis na ako. Love you, bye!" sabi ko kay Mama sabay halik sa pisngi.
"Sige ingat ka anak."
**Sa School**
Hay, andito nanaman ako sa paaralang to. Nakakabored na yung campus eh, since pang 10th year ko na dito. Wow, since grade school pa kaya ako dito.
Dumiretso na ako sa office para tignan kung san classroom ako pupunta. As usual, 4-A nanaman.
Pagdating ko sa classroom, wow, ang aga ko pala.
Parang tatlo pa lang kami dito. Hmmmmm, makatulog nga.
*Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz*
*BLAAAAAAAAAAAAG*
*mulat ng mata*
SINO BA YUN?! Natutulog kaya ako, tsssssss, ang ganda na sana ng panaginip ko. Lintek.
Makapagnap na nga lang.
"HELLO SA INYO! Ako si Adrian Mendoza. Of course, alam niyo naman kung sino ako diba? So no need for introduction."
Anong pake ko kung siya si Adrian Mendoza? At sino ba siya?
Janitor siguro, siguro nga. HMP!
*kalabit kalabit*
*kalabit kalabit*
"ANO BA?! NAKAKAINIS KA! KALABIT KA NANG KALABIT! ALAM MONG NAGNANAP YUNG TAO! UMALIS KA NGA DIYAN!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Kasalanan Ko Ba Na Mahal Kita? ♥
Teen Fiction(On Going) Isang babaeng nagkunwaring girlfriend sa may-ari ng University na KINAIINISAN NIYA. Paano ba ito nangyari? Posible ba silang magmahalan?