Kung kasalanan ang magmahal, malamang matagal na akong nasa likod ng mga rehas.
Sana lang kasalanan din ang magpaasa, para kasama kita doon.
How I wish, those were. At least, we're together.. right?
But on the other hand, I don't think that would be a good idea.
Kasi, kung makukulong ka rin lang, siyempre hihilingin mong makasama ka. Baka kapag nakulong ka, hilingin mo na sana kasalanan na lang din ang pagkakaroon ng unmutual feelings, para magkasama kayo. Siyempre hindi naman okay yun, kaya 'wag na lang.Ikaw naman kasi eh. Tanga ka, gumagaya ka pa sa'kin. Hindi mo nga sure kung mahal ka pa din ng babaeng yun. Kasi nga past crush ka na niya. Eh ikaw, patuloy na umaasa.
Siya na lang kasi ang lagi mong nakikita. Siya na lang ang lagi mong nababanggit.
Alam mo yung pakiramdam ng, tayo yung magkasama, pero siya yung bukambibig mo? Masakit kaya.
Kung pwede ko lang itigil yung nararamdaman ko..
Kung pwede ko lang iwasan ka, matagal ko ng ginawa, kaso hindi.
Kung pwede nga lang kita ilibing ng buhay eh para hindi na kita makita. Kaso maraming magluluksa. Maraming nagmamahal sayo eh. Hindi lang ako. Tsaka malay ko ba, baka isang araw, ma-realize mo na mahal mo pala talaga ako. Kaso mukhang malabo.
Kung pwede lang kitang kamuhian, nagawa ko na. Kaso hindi ko kaya. Bakit?
Kasi nga mahal kita.
Pero pano nga ba nagsimula ang lahat ?
First day of class as a Grade-10 student.
Sa pinakadulong row ako nakaupo. Ikaw naman ay nasa seat sa harap ko.
Nagulat ako nung lumingon ka sakin.
"Hi po! Di ba po section one ka last year?" you asked me. Nagulat ako kasi, hindi naman ako famous pero kilala mo ko. Samantalang ikaw, bukod sa S.G. officer ka, hindi na kita kilala.
"Ah opo." sagot ko.
"Edi kaklase mo po si Erika?"
"Ah opo. Ikaw ba yung nagbigay sa kanya ng rose,chocolates tsaka letter nung Valentine's?"
"Hehe. Close po ba kayo nun? "
~Heto ka na naman, kumakatok saking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap..At doon nagsimula. Nagtanong ka na sakin ng mga tungkol sa kanya. Hanggang sa dumating sa point na nagkukwento ka na tungkol sa love story niyo. Tungkol sa kanya. Araw-araw 'yon. Kada magkasama tayo. Minsan nga hindi tayo nakikinig sa discussion ng teacher para lang magkuwentuhan. Nakikipagpalit ka pa nga ng upuan sa seatmate ko. Kapag naman absent yung katabi mo, ako yung pinapalipat mo. Kaya kapag nag surprise quiz, nganga tayong dalawa!
~At heto naman ako
Nakikinig sa mga kuwento mo..May mga times pa na pareho tayong late. Pag nagkakasabay tayo papasok, aba! Nakukuha mo pang magkwento tungkol sa convo niyo last night. Nak ng tupa! Ako namang si tanga, sige, tawa! Nasasabi ko na lang, "Ay, shala! " "Oh talaga?" "Good luck sayo!" Partida,late tayo nun ah?
~Ano nga bang meron siya
Na sakin ay di mo makita..So ayun. Nalaman ko tuloy kung gaano ka kapatay na patay kay Erika. Maganda naman siya. Kahit morena lang. Matangkad, at higit sa lahat, matalino.
Tapos isang araw, tinanong mo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan. Matutuwa kasi siyempre, pinagkakatiwalaan mo ko. Tsaka siyempre, na-realize mo na importante din pala ako sayo.