♥ Siya Po ♥

3.1K 153 134
                                    

A/N: para kay elijah.. ^_^ ahaha.. baka magtampo.. wahahaha.. salamat sa'yo.. ^_^ 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Okay, class. Humanap kayo ng partner ninyo para sa seat work natin ngayon" anunsiyo ng teacher namin pagpasok niya ng classroom.. 

"Aaahhh." reaksyon ng mga classmate ko.. Pero nagtayuna din naman sila para humanap ng makakpartner nila.. Tumayo na rin ako para lumapit sa mga kaibigan ko.. Pero lahat sila, may partner na..

"Oh, Mr. Suico." sabi ng teacher namin. Kaya naman napatingin  ako kay Emcee.. Nakatayo din siya.. Naghahanaap din siguro ng ka-partner.. "Sinong ka-partner mo?"  tanong ni Ma'am..

"Siya po." sagot ni Emcee na nakatingin at nakaturo sa akin..

"Ako?" takang tanong ko.. Hindi naman kasi ako ang patner niya.. Bakit ako ang itinuro niya? Hindi siya tumango.. Hindi rin siya sumagot.. Basta lamang siya nakatigin at nakaturo sa akin..

"Okay, Mr. Suico and Ms. Mariscotes. Go to your proper seats. Para masimulan na natin ang seat work." sabi ni Ma'am..

Kahit naguguluhan.. Bumalik na lang ako sa seat ko.. Tumabi sa akin si Emcee.. Sinabi ni Ma'am ang seat work at nagsimula na nga kami.. 

Pero ang isip ko.. Naririto sa lalaking katabi ko.. Si Emcee.. Ang mega ultimate mahal ko.. Matalino siya.. Gwapo.. Pero may salamin sa mata.. Nerdy look ba.. Nakatingin lang ako sa kanya.. Ni hindi nga ako nagawa ih..

Paano ako gagawa kung yung mahal ko ang katabi ko? SIge nga.. Paano ka makaka-concentrate?

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya, pero sa ginagawa nakatingin..

"H-huh?" nagulat namang tanong ko..

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa akin. Baka kako may dumi ako sa mukha." sabi niya na tumingin na sa akin.. Waaaaaaaaaahhh.. Kanina pa ba ako nakatingin sa kanya.. Hala ka naman.. Napansin niya tuloy..

"A-ano.." hala ka.. Namumula ako.. Pihado yun.. Maputi pa naman ako.. At kitang-kitang kapag namumula ako.. 

Ngumiti siya.. "Okay lang mamula. Bagay naman sa'yo." sabi niya at binalingan ulit ang ginagawa.. Automatis naman na napahawak ako sa pisngi ko..

Sabi na nga ba.. Mahahalata talaga kapag namula ako.. Kainis na kaputian 'to.. Natapos ang seat work ng wala ako nagawa.. Nakakahiya tuloy..

Isa-isang tinawag ni Ma'am ang magkakapatner para ipaliwanag ang ginawa namin.. Patay ako nito.. Paano ko ipapaliwanag yung amin? Ih hindi nga ako tumulong.. Nakow naman oh.. 

Tinawag na kami ni Ma'am.. Kabado ako ng magpunta sa unahan.. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Asar ka naman, Elijah ih.. Bakit kasi hindi ka tumulong? Ni hindi ko nga nakita yung ginawa ni Emcee.. Paano na?

"Okay, explain your work." sabi ni Ma'am.. Patay na talaga.. Ano na? Isip.. Isip..

"Nagdrawing po ako ng isang pares ng couples." narinig kong sabi ni Emcee.. Napatingin tuloy ako.. Ipinakit niya yung drawing niya.. O_O

Kaming dalawa??????? Kaming dalawa kasi yung naka-drawing.. Teka? Couples? Kami? Kelan pa?

"Yiiiiiiiiiieeee.." reaksyon ng mga classmates namin.. 

"Ako po ito." turo ni Emcee sa lalaking nasa drawing.. 

"Eh sino naman yung babae?" nakangiting tanong naman ni Ma'am.. Nagtanong pa.. Obvious naman na ako yung girl.. Halleeer..

"Siya po." sabay turo sa akin ni Emcee.. Okay.. Namula na naman daw po ako.. 

"Bakit kayong dalawa ni Ms. Mariscotes ang drawing mo?" tanong ni Ma'am..

"Kasi po. Bagay kami." sagot naman ni Emcee.. Nakatingin pa rin siya sa akin.. Waaaaaaaahhhh.. My heart.. It's... It's beating so fast.. Really, really fast.. Ay, potek.. Napapa-english tuloy ako.. 

"Wohoooo." sigaw naman ng mga classmates namin na lalaki.. "Sa wakas. Nagkadila din si Emcee." may appear-an pang nagaganap..

Ano daw? Nagkadila? May dila naman talaga si Emcee ah.. Anong nagyayari? 

"Bakit naman kayo bagay?" tanong ulit ni Ma'am..

"Kasi po.." pambibitin ni Emcee.. "Mahal ko siya." mataman siyang nakatingin sa akin..

ANOOOOOOOOOOOOOO?????????? Nanlaki bigla ang mga mata ko.. 

Lumapit si Emcee sa akin.. Mas malapit.. Ngumiti siya.. "Liligawan kita." sabi niya..

"OO agad." sigaw na naman ng mga classmate ko.. Ano ba naman ito? Nagkaklase pero ganito ang nangyayari? 

"A-ahhh." nasaan na po ang mga salita sa mundo? Bakit wala ako mahagilap? 

"Mahal mo naman ako 'di ba?" tanong niya..

Napatango na lang ako.. Eh alangan namang umiling ako.. Pagsisinungaling yun.. Itatanggi ko pa bang mahal ko siya? Eto na nga oh.. Liligawan daw niya ako.. Lubus-lubusin na.. 

Humarap siya sa mga classmates namin.. "Oh. Simula ngayon. Liligawan ko na si Elijah. Walang kokontra ha." sabi niya.. Humarap ulit siya sa akin at ngumiti.. "Mahal kita." bulong niya..

Isang matamis na ngiti lamang ang iginanti ko sa kanya.. Hay! Sa wakas.. Liligawan na din niya ako.. 

"Sino nga ulit ang mahal ni Emcee?" tanong na naman ni Ma'am..

"Siya po." sabay-sabay na sagot ng mga classmates namin at tinuro pa ako..

*end*

A/N: waaaaaaaaaahhh.. elijah.. eto na oh.. salamat ha.. magustuhan mo sana.. ^_^ magustuhan ninyo rin po sana.. salamat po.. salamat po.. sa magbabasa.. ^_^ salamat.. (kay whenboredomstrikes at kay kring05.. pasensiya na kung matatagala yung hinihiling ninyo.. ahaha.. pasensiya na ha.. salamat sa pag-unawa.. ^_^ )

♥ Siya Po ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon