[060916]
Natapos ko nang basahing muli ang libro kong hawak. Nakasara na ito... ngunit nanatili pa rin itong nakabuklat sa aking isipan.
Hanggang ngayo’y hindi pa rin ako makapaniwala na ang tao na dati’y minamaliit lamang ay makalilikha ng ganitong libro—hindi ko inaasahan—na tulad din ng iba, ay akin ding hahangaan, at siya ring magiging dahilan upang magpatuloy at mas pag-igihan ko pa ang aking pagsusulat.
Muli kong tinititigan ang libro’t hinaplos ang takip nito—kung saan sa baba ng pamagat… ay malinaw din na naka-imprenta ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
DIKOGETS - Koleksyon ng mga Dagli
Short StoryMga orihinal na gawa ng malikot na isip ng may-akda... simula sa kaniyang pagiging hilaw... at pagiging hindi pa rin hinog. Kiligin, kabahan, matakot, masaktan, magulat, matawa, mapaisip, at mapasabi ng walang kamatayang linya na: DIKOGETS.