[071316]
Sa luntiang burol ay nakaupo niyang pinagmamasdan ang marikit na paligid.
Maaliwalas ang panahon. Walang malakas na ulan ang nagdaan, ngunit nasa himpapawid ang bahagharing nakapagitan sa mapuputing mga ulap, at araw na hindi gaanong nakasisilaw ang liwanag—katamtaman lamang—na siya ring bumubutas ang sinag sa mga dahon ng puno na kaniyang sinisilungan. Pinasasayaw ng ihip ng hangin ang mga halaman at bulaklak. Naroon din ang mga usa, kuneho, at iba pang mga hayop na malayang naglalaro, paris ng mga ibong lumilipad.
Napakarikit.
Kumurba ang ngiti sa kaniyang labi. . .
At dahan-dahan niyang inilipat ang pahina, upang simulan ang panibagong kabanata ng librong binabasa niya . . . sa loob . . . ng kaniyang silid.
BINABASA MO ANG
DIKOGETS - Koleksyon ng mga Dagli
Proză scurtăMga orihinal na gawa ng malikot na isip ng may-akda... simula sa kaniyang pagiging hilaw... at pagiging hindi pa rin hinog. Kiligin, kabahan, matakot, masaktan, magulat, matawa, mapaisip, at mapasabi ng walang kamatayang linya na: DIKOGETS.