[031218]
[Sobrang Short Stories Hub's
MarsoriFic Fest: Bring It On! Week One, Day Three Winner]Isang tawag muli ang natanggap niya. Alam niya na agad na si Darwin na naman iyon-matalik niyang kaibigan. Halos kanina pa ito tumatawag at sobra na siyang naaalibadbaran. Ika pa niya'y abala.
"Putangina ang kulit!" bulyaw niya.
"Sagutin mo na kaya?" bulong naman ng nobyang katabi niya-hubo't hubad na nakakumot.
Inialis niya ang akbay doon, "Nagkausap naman na kami kanina. Sabi niya... andami raw niyang pinagdadaanan, ta's parang gusto na daw niyang magbigti. Basta. Andrama." Sasagutin na sana niya ang tawag ngunit nahuli siya. Kaya't hindi na lamang niya ito binitiwan gawa ng alam niyang tatawag ito ulit.
At sa ika-limang pagkakataon, "'Tol?" bungad niya, "Kakagising ko lang. Nakatulog kasi ako kanina. Ano na nangyari sa 'yo? 'Kala ko talaga nagbigti ka na!" biro pa nito kasama ang mga tawa.
"Pabor naman, 'tol?" sagot naman ni Darwin. Halatadong kagagaling lang sa pag-iyak.
"'Tol... Ayos ka lang ba?"
"P-p-patulong naman. Alam mo namang wala 'kong kasama dito sa bahay, 'di ba? Ta's ikaw lang ang malalapitan ko."
"Ano ba 'yun, 'tol? Susubukan ko kung kaya ko. Alam mo namang kahit na ano..."
"Huli na, 'tol... papatulong lang sana 'ko na... pababa 'yung katawan ko..."
BINABASA MO ANG
DIKOGETS - Koleksyon ng mga Dagli
Short StoryMga orihinal na gawa ng malikot na isip ng may-akda... simula sa kaniyang pagiging hilaw... at pagiging hindi pa rin hinog. Kiligin, kabahan, matakot, masaktan, magulat, matawa, mapaisip, at mapasabi ng walang kamatayang linya na: DIKOGETS.