Ang Muling Pagkikita

2K 20 1
                                    

[050716]

Reding-redi na ako. Naka-polo sert na tsekerd, naka-pabango, naka-pited na pantalon, naka-haykat na sapatos, naka-dyel ang buhok, at naka-pawndeysyon ang mukha.

"Sana nand'yan s'ya..." bulong ko sa sarili.

Kinatok ko ang pinto ng kanilang bahay, at habang hinihintay ko ang pagbukas nito, ay nagsalamin muna ako sa aking selpon at bahagyang iniayos ko ang aking nakausling patilya.

Nang ito ay magbukas, agad akong napangiti sa aking nakita.

Nandito siya…

"O, inaanak! Meri krismas!" bungad niya sa akin.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon