Tatsulok

203 5 0
                                    

[031218]
[Sobrang Short Stories Hub's
MarsoriFic Fest: Bring It On! Week One, Day One Winner]

Dahan-dahang sinundan ni Bryan ang bakas ng dugo sa sahig na nagmumula sa kaniyang kwarto papunta sa kanilang kusina. Nanginginig ang kamay niya habang hawak-hawak at tutok-tutok ang isang baril sa kaniyang dinaraanan. Mabigat ang bawat paghinga niya. At wala siyang ibang naririnig kundi isang matinis na tunog.

Nang makarating sa kusina ay kitang-kita niya ang isang lalaki na nakahubad at may takip na duguang damit ang mukha. Nakaupo ito habang nakatitig sa duguan niyang ina na nakahandusay sa sahig. Kusang tumulo ang luha sa kaniyang mata.

Mabilis niyang nilapitan ang lalaki at dahan-dahang itinutok ang baril sa sintido nito. Napapikit ang lalaki.

"Kriminal ka!" sigaw ni Bryan.

Nagsalita ang lalaki ngunit hindi niya ito maintindihan gawa ng nakatakip sa mukha nito.

Pumikit si Bryan at dahan-dahang kinalabit ang gatilyo. Ngunit tunog lamang ng kawalan ng bala ang pumailanglang.

Dali-daling inagaw ng lalaki ang baril at agad na ipinukpok sa ulo ni Bryan. Napaupo si Bryan sa sahig at unti-unting dumilim ang kaniyang paningin.

Nagising na lamang siya na nakaupo sa sahig habang nakatitig sa duguan niyang ina. Nakahubad siya at may takip na duguang damit ang mukha. Dahan-dahan niyang itinutok ang baril sa kaniyang sintido.

"Hindi ako kriminal."

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon