Hindi Totoo si Hesus

207 4 0
                                    

[021418]
[SSSH Valentine's Special Winner (Romance x Mystery)]

Nakaupo sa sahig si Maria habang hawak ang isang baril na nakatutok sa kaniyang sintido. Duguan ang kaniyang kamay, mukha, at kaniyang damit. Sa tabi niya ay nakadapa ang duguan niyang nanay-nanayan at tatay-tatayan. Habang sa harapan niya'y nakatitig sa kaniya si Hesus na nakaupo rin sa sahig.

"Ibaba mo na 'yan... hindi mo kailangang magpakamatay," pakiusap nito.

Hindi sumagot si Maria. Nanatiling nakatutok ang baril nito sa kaniyang sintido.

"Inaabuso ka nila noon pa. At ako lang ang saksi ro'n."

Tumawa lang nang malakas si Maria.

"Kaya nandito 'ko para sabihin na tama lang ang ginawa mo."

Tumigil sa pagtawa si Maria at dahan-dahang humikbi.

"Malaya na tayo. Wala nang hahadlang sa pagmamahalan nating dalawa."

Pumikit si Maria. "Hindi ko 'yan ginawa."

"Tama na... sige na... ibaba mo na 'yan..."

"Hindi ko 'yan ginawa."

"Mahal kita, Maria." sambit ni Hesus.

"Hindi ko 'yan ginawa."

Kasunod no'n ay ang pagkalabit niya sa gatilyo. Pumailanglang sa lugar ang putok ng baril. Sabay silang bumagsak sa sahig, at parehong dumaloy ang dugo sa kanilang sintido.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon