Freya David's POV
Lumipas ang isang linggo at ngayon ay lunes na at pu-pwede na akong lumabas ng hospital dahil nag undergo na ako ng psychology test at ayon sa test ay kailangan lang akong obserbahan at wag dapat ma-stress ng masyado para hindi bumalik ang sakit ko.
Nasa byahe na kami nina Danreb, Mama and Papa pauwi sa bahay pero ang pinagtataka ko ay hindi pamilyar ang daan na tinatahak naming papuntang bahay. Pero nagkibit-balikat lang ako dahil baka naninibago lang ako dahil ilang linggo rin ang dumaan ng nagkulong ako sa bahay ay nasa hospital ako kaya siguro ganon nalang ako manibago.
Ilang minuto pa ang dumaan bago huminto sa isang Malaki at magandang bahay. Dahil nasa tabi ko si Danreb ay nilingon ko agad siya ng may pagtataka sa aking mukha. Ngumiti lamang siya at lumabas ng sasakyan.
Nilingon ko sa likod si Mama at Papa, at tanging ngiti ang kanilang pinakita at lumabas na rin ng sasakyan.
Pinagbuksan ako ni Danreb ng pinto ay inalalayan akong bumaba, pagharap na pagharap ko palang sa bahay ay napa-WOW na agad ako dahil sa sobrang laki at ganda. At base sa design ng bahay ay halatang pinag-isipan talaga at pinaghirapan para magawa ito.
Hindi ko na natiis ang hindi magtanong.
'D-danreb? Kanino... kaninong bahay 'to? At bakit nandito tayo?' tanong ko sakaniya.
Tumingin siya sa mga mata ko at hinawakan ang ulo ko at marahang nilapat ang labi niya sa noo ko. Dahil sa ginawa niyang iyon ay naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko dahil sa kilig.
'Welcome to our house, Freya.' Saad niya na ikina-bigla ko ng sobra.
Dahil sa sobrang ganda at laki ay hindi ako makapaniwala na dyan ako titira. Oo't Malaki at magara rin naman ang bahay namin pero hindi ganito, bastaa ibang-iba. Hindi ko ma-explain.
Inalalayan niya ako papasok sa mala-mansion, ay hindi, mansion pala talaga. Pagpasok ko palang sa gate bumungad na agad sakin ang masasabi kong pinakamagandang garden area na nakita ko sa tanang buhay ko. Dahil na rin sa mga malulusog at magagandang bumalaklak na nagpapalibot sa bahay, yung treehouse, yung mga table at upuan na kung saan ay pwede kang magrelax, basta ang ganda ng paligid. Yun yon. Ha-ha.
'Pwede kang tumambay at magpahangin dito anytime.' Sabi niya sakin at hinagod ang likod ko sa paraang sinasabi niya 'It's your house, don't worry.'.
Tumango nalang ako bilang tugon at dumiretso ng naglakad papasok sa bahay.
At pagpasok sa bahay, tulad ng inaasahan, malawak, maganda, engrande, sosyal, at lahat-lahat ng magagandang papuri na pwedeng masabi ay lahat yon masasabi mo sa bahay na titirhan ko. All the time nakanganga lang ako as in ':O' dahil sa mga nakikita ko, para tuloy akong ignorante sa lagay ko dahil sa sobrang na-amaze ako ng bahay na 'to.
'This is for you, Freya.' Sabi niya habang nakatingala sa bahay.
Hindi parin ako makapaniwala na samin 'to. Kung nananaginip pa ako, sana di na ako magising. Ha-ha.
'Waitt!? Kailan mo pa 't-...' pagpuputol niya sa sasabihin ko.
'Matagal ko ng napagawa ko, nung nakita kita sa mini-concert ng banda namin ay pinagawa ko na 'to dahil alam kong babalik ka, uuwi ka sa poder ko. At lahat ng yon ay alam nina Tita at Tito, right Tita, Tito?' saad niya na talagang ikinabigla ko dahil kasabwat niya pala sila Mom at Dad dito.
Wow, just WOW.
At nilibot ni ako ni Danreb sa buong bahay.
...
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Teen FictionMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...