forever. (One Shot -- ʿ₯ʾ )

1.7K 92 5
                                    

forever. ʿ₯ʾ

Dati, hindi naman ako naniniwala talaga sa salitang, “Forever”. Para kasi sa akin, isa lang iyan sa mga paasang salita na nagbibigay ng false hope sa mga tao.

Kumbaga sa load, katumbas nito ang “unlimited” o “immortal texts” na ang ibig sabihin nga ay “walang katapusan”. Pero kahit ang load ay nauubos.- parang nangyari sa atin, katulad ng unli, “may expiration”.

 

****

 

“Mahal kita.”

“Mas mahal kita, Aki.”

“Ano ka? Mas mahal kita, Les. Mamahalin kita forever.”

Normal na ata sa atin ang magtalo kung sino ang mas nagmamahal. Pero sabi nila, kung sino ang unang huminto sa pakikipagtalo, siya ang mas nagmamahal. Hindi ko alam kung scientifically proven ba iyon pero sa tingin ko naman ata, tama?

“Aki, ayoko nang ganito. Nag – aaway tayo, may hindi napagkakasunduan at hindi tayo nagkakaintindihan. Ayusin naman natin ito. Nahihirapan ako e.”

“Tingin mo sakin, hindi nahihirapan? Para tayong aso’t pusa na laging nagtatalo. Kung hindi ka naman kasi selosa na halos lahat binibigyan mo na nang malisya.”

“Nagsorry na naman ako ‘diba? Hindi ko na ulit paiiralin iyong pagkaselosa ko. Sa susunod, magtatanong na muna ako bago ako magagalit. Sorry na Aki.”

“Sorry na rin kung nasalubong ko galit mo. Pagkatiwalaan mo ako, Les. Please, ako lang.”

“Oo naman, Aki. Ikaw lang ang pagkakatiwalaan ko kasi mahal kita.”

“Mahal din kita, Les.”

Iyong mga away natin na hindi natin tutulugan at tatakbuhan hangga’t hindi pa ayos. Iyong mga issue-ng pag – uusapan muna natin bago tayo magdesisyon. Iyong ganito tayo, noon.

“Mag – aaway na naman ba tayo? Lagi na lang ganito.”

“E di iwan mo na ako kung nagsasawa ka na!”

“Ganoon na lang kadali para sayo na sabihin iyan?”

“Bakit? Doon din naman pupunta ito diba? Wag mo na patagalin.”

“Please tama na!”

“Anong “tama na”? O siya, itigil na natin itong kalokohang ito.”

forever. (One Shot --  ʿ₯ʾ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon