Pabula ng Gamugamo

131 6 0
                                    

[051618]

Noong unang panahong nakapagsasalita pa ng Tagalog ang mga insekto, e isang habilin ang iniwan ng Inang Gamugamo sa dalawa niyang anak bago pa siya tuluyang lagutan ng hininga.

“H’wag kayong maglalaro ng apoy,” kasunod din no’n ang pagbaling niya ng tingin sa pakpak niya, na nasunog gawa ng minsang pagligtas niya sa isa pa niyang anak na yumaong na.

Lumipad ‘yon papalapit sa apoy ng kandila isang gabing brown-out sa bahay na tinutuluyan nila. Nasagip siya ng kaniyang ina, at nagawa pa nitong isugod siya sa malapit na ospital, pero nang magka-kuryente na di-kalaunan, e nabalita rin sa TV Patrol na dead on arrival umano ito.

Nag-viral sa social media ang video ng pagliligtas niya sa kaniyang anak, na umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens.

“Ngunit Ina, bakit paulit-ulit mo na lamang na sinasambit ang mga katagang ‘yan?” tanong ng dalagitang gamugamo habang nakaupo at hawak ang ina niyang nakahiga sa sahig.

“Siya ngang tunay, Ina. Unli?” sudlong naman ng binatilyong gamugamo na nakatayo sa harap nilang dalawa.

Sasabihin pa sana ng ina sa binatilyong niyang anak na hindi siya unli dahil ubos na ang load niya, pero di na niya nagawa pa dahil tuluyan na siyang binawian ng buhay.

“Ina?” maluha-luhang sambit ng dalagitang gamugamo habang inaalog ang walang malay niyang ina.

Napatalikod ang binatilyong gamugamo. Hindi niya kayang tingnan ang nangyayari. Ang kung paanong halos mabali ang katawan ng kaniyang ina sa lakas ng alog ng kapatid niya.

Tuluyang lumuha ang magkapatid. At halos sabay na tumingala sa kisame.
“Inaaaaaaaaaa!” sigaw ng dalagitang gamugamo. Um-echo ‘yon sa gilid ng bahay.

Lumapit ang binatilyong gamugamo sa kaniyang kapatid at inakay ito na lumipad. At labag man sa dalagitang gamugamo, e napilitan na rin siyang sumama. Habang lumilipad sila papalayo, nakabaling pa rin ang tingin nila sa kanilang ina. May “X” na ito sa mata senyales na patay na talaga. Sa di kalayuan e tanaw rin nila ang mga pinsan nilang langgam na papalapit sa walang-buhay nilang ina. At sabay-sabay tumatawa ang mga ‘yon ng, “Tuwahahaha!”. Lalong naiyak ang dalagitang gamugamo.

———

Lumipas ang maghapon at tuluyan nang nagdalaga at nagbinata ang magkapatid. At habang lumilipad silang dalawa sa bandang tukador ng bahay, e dala pa rin nila ang kuryosidad sa bilin ng kanilang ina.

“Ano kaya ang ibig sabihin ng bilin na ‘yon ni ina?” tanong ng dalagang gamugamo.

Hindi sumagot ang binatang gamugamo. Abala ‘to sa kaniyang android phone habang hinuhulaan ang password ng WiFi sa bahay. Balak kasi niyang i-search sa Google kung ano ang ibig sabihin no’n. Nang bigla na lang siyang napa-‘shit’ nang malutong.

“Bakit?” tanong ng dalagang gamugamo.

Ipinakita niya ang android phone sa kaniyang kapatid. Makikitang connected na ‘yon sa WiFi ng bahay. Na ang password pala e “12345678”. Kaya’t proud na proud siya sa sarili niya dahil feeling niya e isa na siyang hacker.

“Panis...” pagmamayabang niya sa kapatid.

Ibabaling na ulit sana ng dalagang gamugamo ang tingin sa nililiparan nila dahil wala naman siyang pakelam do’n. Pero bigla siyang inawat ng kaniyang kuya.

“Saglit!” binuksan ng binatang gamugamo ang browser at binrowse ang Google. “Tingnan mo ‘to!”

“Alin?”

“Ise-search ko ‘yung ibig sabihin ng bilin ni ina.”

Natawag ang pansin ng dalagang gamugamo.

Tinayp ng binatang gamugamo sa search bar ang “wag kayong maglalaro ng apoy”. Makalipas din ang ilang segundo e lumabas do’n ang pinaka-ibig sabihin no’n sa Wikipedia. At isang hyperlink sa pinakababa na ang nakalagay e “other meaning”, na nang i-click niya e pareho nilang ikinagulat, at lalong nagdulot sa kanilang dalawa ng kuryosidad.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon