Alyas? Robin Hood

141 3 0
                                    

[052618]

STARRING:

Dingdong Dantes as Robin Hood as Dindong Dantes as Robin Hood

ALSO APPEARING:

Mga pulis as Mga pulis
Mga extra as Mga extra
Mga basura as Mga basura

[Ito e hango sa totoo pero hindi makatotohanang istorya.]

Kasalukuyang nasa loob ng hindi makatotohanang pangyayari si Robin Hood:

Nakasakay siya sa isang Mio na tinangay niya sa Recto; nakatakip ang hood ng jacket sa mukha; hawak niya sa kaliwa niyang kamay ang isang android phone, habang sa likod naman ng motor na minamaneho niya e may nakataling isang malaking tela, na naka-umbok gawa ng may laman 'yon na kung ano-ano, na ninakaw niya sa Divisoria.

Hindi makatotohanang 140 kilometers per hour ang patakbo niya mula Sta.Cruz hanggang Bambang, hanggang sa gawin niya na 'yong 150 paglampas niya sa Tayuman, dahil napansin niyang may sumusunod na sa kaniyang mga mobil ng pulis. Bawat madadaanan niya sa gilid ng kalsada e napapatingin at natatangay ang buhok. Habang ang iba naman na patawid e hindi makatotohanang napapa-tumbling paiwas sa kaniya.

At sa bilis nga rin ng patakbo niya e maiiwanan niya ang mga pulis, base sa paglingon niya sa side mirror. Pero mapapapreno siya nang todo-todo pagdating niya sa Blumentritt.

Mapapansin niyang di umuusad ang mga sinusundan niyang sasakyan. Mapapansin naman natin ang mga nakakalat na basura sa daan.

Hindi siya maka-overtake dahil traffic talaga. Makakaramdam siya ng emosyon na ipapakita niya sa hindi makatotohanang paraan. Mapapailing siya. Kasunod ang paglingon sa likod, pagbaling ulit sa harap, paghampas sa silinyador, pagkunot ng kilay, at pagkagat-labi.

Habang nakahinto sa tabi ng mga nakakalat na basura, e bubuksan niya saglit ang android phone niya at iki-click ang Google Map na app. Makikita niya ro'n kung nasaan siya mismo. At ang hinahanap niyang mahalagang bagay, na nasa Hermosa.

"Naroon siya, aking mga kapwa! Atin siyang hulihin!" bigla niyang maririnig ang isang hindi makatotohanan at hindi angkop na dialogue para sa character na nasa likod niya. Mula 'yon sa isang pulis na tumatakbo papalapit sa kaniya kasunod ang iba pa, na bumaba na sa mobil nila dahil naapektuhan din sila ng grabeng traffic.

"Holy shit..." mapapabulong si Robin Hood ng isa pang halimbawa. At hindi mapapakali sa kaba. Dali-dali niyang kakalasin ang tela na nasa likod ng motor. At mabilis na ipapasan sa likod para tumakbo.

Aabutin ang habulan sa tapat ng Abad Santos LRT Station. Kung saan hindi makatotohanang mauunahan na lang bigla ng mga pulis si Robin Hood. Makikipagpatintero muna sila saglit. Hanggang sa mapansin na nilang wala na ang hood na nakatakip sa mukha nito. Magugulat silang lahat. At mapapasabi na naman ng hindi makatotohanan at hindi angkop na dialogue para sa kanila.

"Hindi ba't siya si Dingdong Dantes?"

"'Yaong senador?"

Babatukan ng isang pulis ang nagsabi no'n na para bang si Dolphy kay Babalu. "'Yaong artista!"

"Ahhh."

Sasagot ang iba.

"Siya ngang tunay!"

"Nakamamangha!"

"Nakagugulat!"

"Wow!"

"Lupet!"

"Boss, pa-autograph, boss."

Iisipin nila na nasa taping lang si Robin Hood. Kaya dahil doon e hindi makatotohanan na hahayaan na lang nila itong makatakas. Na habang tumatakbo papalayo e kakawayan pa nila.

Habang tumatawid naman sa kalsada pasan ang telang may lamang mga ninakaw niya sa Divisoria, titingnan ulit ni Robin Hood ang Google Map sa android phone niya. Makikita niya ro'n ulit kung nasa'n siya mismo, at ang mahalagang bagay na nasa tabi ng 7-Eleven, na ilang hakbang na lang e nasa harap na niya:

Ang hindi makatotohanang portal.

Dahan-dahan siyang papapasok do'n, at sa parehong oras din sa kasalukuyan, e mabilis siyang mababalik sa tunay niyang panahon.

---

Samantala, matapos namang basahin ng mga mambabasa ang hindi makatotohanang kwento na 'to, ang iba sa kanila e sasabihin na naman na... "Wow. Mala-Bob Ong 'to". Habang ako naman bilang isa ring mambabasa matapos basahin 'to, e sasabihin ko namang hindi, dahil para sa 'kin e "mala-Densyo" 'to.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon