Chapter 4: First Day

4 0 0
                                    

"What if, you and I were meant to part ways, only so that we could find each other again."

Thrones University.

Binaba ako ni Marc sa harapan ng school gate at nauna na siyang pumasok. Mas gusto ko kasing maglakad papasok sa school. Syempre first day, kailangan sulitin ko ang moment na 'to...

Ang ganda talaga ng Thrones University. Di ko pa rin sukat akalain na makakapagaral ako rito. May apat na paraan lang kasi para makapagaral ka dito. Una ay kung makapasa ka sa entrance exam na kung saan 1,000 out of 1,000,000 takers lang ang pumapasa. Pangalawa, kung athlete or talented ka sa pagsayaw, kanta, etc. ay bibigyan ka ng school ng special scholarship. Kung dito ka naman nag-graduate nung highschool ay automatic kanang pwedeng makapagaral dito pag college. At syempre, kung mayaman ka ba naman eh di magbayad ka nalang. 500,000.00 pesos lang naman ang tuition fee per semester.

Hindi sa pagmamayabang pero isa ako sa mga 1,000 takers na nakapasa...dapat. Kaso tinatamad lang talaga ang utak ko ng mga araw na 'yon. Buti nalang ako ang MVP ng girls volleyball noong highschool at ehem..singer din. Kaya nakuha ko ang special scholarship ng school.

Hindi ko na rin proproblemahin ang uniform, wala kasing school uniform na required dito. Bahala ka sa kung ano ang gusto mong susuotin, walang may pipigil sa 'yo.

"Sobrang laki pala ng school na 'to. Dapat pala hindi na 'ko bumaba sa kotse ni Marc."

"Naku 5 minutes nalang before class, baka malate pa 'ko nito. Kailangan ko nang tumakbo."

Bam!

"Aray, ang sakit!" Napahalik ang puwit ko sa sahig ng wala sa oras.

"Hoy bulag ka ba? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sa lalaking naka buwisitleta, este bisikleta.

Hindi ko makita ang mukha niya, natatakpan kasi ng itim niyang hood. Nakatayo lang siya sa harapan ko at hindi umiimik. Instead na mag sorry siya at tulungan akong tumayo ay may itinuro lang siyang sign sa daan. Agad siyang umalis pagkatapos.

Bastos yun ah. Hindi man lang ako tinanong kung okay lang ba ako.

"Bicycle Lane," basa ko.

"Arrg..kainis. Patay ka talaga sa 'kin pag magkita ulit tayo..."

"Oh no, malilate na 'ko sa first subject ko. Sana wala pa ang prof. namin."

Dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may elevator pala ang department namin. Kaya hiningal ako sa pagakyat ng hagdan papuntang forth floor.

Patay, nagaattendance na ang prof. namin. Anong gagawin ko ngayon?

"Psst..Chepsy ba't ngayon ka lang? Nandito na si ma'am oh," mahinang tinig sakin ni Marc. Nasa front seat malapit sa pintuan kasi siya, kaya medyo naririnig ko.

"Marc, tulongan mo 'ko makapasok. Gumawa ka ng paraan...Idastract mo muna si ma'am saglit."

Nagsisimula palang magtawag ng pangalan si prof., may pag-asa pa 'ko.

"Ha!? Ang hirap kaya ng pinapagawa mo. First day na first day ng pasukan, pinapahamak mo na 'ko kaagad."

"Please...please...please...please...please," pakiusap ko sa kanya. Hindi ako titigil sa pangungulit hanggat hindi pa natatawag ang pangalan ko.

Napansin kong pinagpapawisan at kinakabahan si Marc. Nagdadalawang isip kong tulungan niya ba ako.

Tatayo na sana siya para idistract si ma'am, kaso may biglang sumulpot na lalaki sa tabi ko. Siya yung bumangga sa 'kin kanina ah! Pasimpleng naglakad lang siya papasok at humanap ng mauupuan.

"What!? Ganon lang 'yon?" Hindi manlang siya pinagalitan ni ma'am sa pagiging late at basta-basta nalang siyang pumasok.

Napansin din ito ng iba kong kaklase, pero walang may nagsumbong kay ma'am.

"What about me?" Ang unfair naman nito para sa 'kin.

Siguro malabo na mata ni ma'am. Medyo may edad na rin kasi.

"Magaya nga rin ang ginawa niya..." Pasimpleng naglakad din ako papasok sa classroom at tumitingin ng mauupuan.

Pak!

Hinampas ni ma'am ang stick na hawak-hawak niya sa mesa sabay titig sa 'kin.

"Ay palaka!" Gulat ko.

"Did I permit you to enter!?" Inis na tanong ni ma'am sa 'kin.

Patay nakita ako.

"N..no ma'am. Sorry po if I'm late," nerbyos kong sagot.

Naririnig ko ang mahinang tawa ng mga kaklase ko.

"Okay since this is our first day, hindi muna kita mamarkahan ng late. Pero lilinisin mo ang room na ito mamaya bago ka umuwi. Is that clear?" Paguutos niya sa 'kin.

"Pero ma'am hindi lang naman po ako yung late na pumasok ngayon ah. Yung lalaking nakaitim na nasa dulo rin po, kasabay ko lang ngayon. Dapat kasama ko rin siyang maglilinis mamaya," protesta ko.

Mwahaha akala mo makakalusot ka ng ganon-ganon lang? Ika nga sa isang qoute, "If I'm gonna die in this war, then I at-least must bring my enemy down with me". Swerte mo lang kanina, hindi ka nakita ni ma'am na pumasok. Ikaw din naman ang dahilan kung bakit ako nalate, mas mabuti pang idamay din kita.

"Ahh...si Mr.Jao ba? Siya kaya ang pinakamaagang pumasok kanina dito. May inutos lang ako sa kanya kaya ngayon lang siya dumating. S'ya wag mo nang sayangin ang oras at humanap kana ng mauupuan," tugon ni ma'am.

My sixth sense is telling me na may mali dito. Hindi ko lang matukoy kung ano 'yon.

Hayaan ko na nga lang. Madali lang naman maglinis, atleast hindi ako late sa attendance.

Naghanap ako ng mauupuan ngunit iisa nalang ang bakante. Ano ba 'yan. Wala na akong mapagpipiliang pwesto kundi yung nasa dulo, katabi ng malas na lalaking 'yon.

Lumapit ako at napilitang umupo sa tabi niya. Sa ilalim ng kanyang itim na hood ay napansin ko ang saglit na pagngisi niya na siyang nagpairita pa lalo sa araw ko.

"Ano, masaya kana ha?" Mahinang tinig ko sa kanya.

Hindi niya 'ko pinansin at nagkungwaring hindi niya ko narinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mysterious RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon