The More You Hate,The More You Love
.
.
.
.
.
CHASTY ---Nagulat ako na paglabas ko ng Dean's office ay nakatayo doon si Keyven at nakangiti.
"Anong ginagawa mo dito? Baka ma-late ka pa sa klase mo." ani ko. Lumapit sya kaya napatingala ako. Ramdam na ramdam ko tuloy ang pagiging pandak ko,kasi hanggang dibdib nya lang ako.
"Ihahatid kita sa klase mo. From now on ganon na lagi ang gagawin ko." nakangiti nyang sabi kaya nanibago talaga ako.
"Huh? Hindi mo kailangang gawin iyon."
"Kailangan. Boyfriend mo ako diba?"
Okay. May deal nga pala kami,ang maging magkarelasyon. Oo at may nararamdaman ako para sa kanya pero ayokong samantalahin ang pagkakataon. Pumayag ako dahil nangako ako sa mga kaibigan nya na tutulungan ko si Keyven na mas makilala ang sarili nya. At sya naman ay gusto din iyon dahil may gusto syang patunayan,kung tatagal ba ang damdamin nya para sa akin o hindi. Alam kong talo ako sa deal naming ito dahil malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Natatakot ako na baka dumating ang araw na mapatunayan nyang hindi tatagal ang damdamin nya para sa akin pero ako naman ay lunod na lunod na.
Kaya nga may isa pa akong option,ang pumayag sa alok ng Dean namin. At yon ang hindi ko pa sinasabi sa kanilang lahat.
Don't get me wrong,masaya din ako na may nararamdaman para sa akin si Keyven. Pero nangingibabaw pa din ang takot,galing ako sa isang hindi magandang pangyayari sa kamay ng tatay ko at ng kaibigan nya kaya ganon na lang din ang takot ko.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula,pero siguro dahil magkasama kami sa iisang bahay at palagi pang may nangyayari sa amin. Ang sabi nila mas matindi daw pag nadevelop ang damdamin kesa sa kusang inlove lang,ang sabi din huwag kang makikipagtalik sa taong gusto mo dahil mas lalalim ang mararamdaman mo para dito.
At ganon nga ang nangyayari sa akin. Sana lang nagawa ko na ang dapat bago pa ako tuluyang mahulog.
"Nakakahiya,baka kung anong isipin nila sayo." ang tanging nasabi ko. Nagsimula na akong maglakad at sinabayan nya ako.
"I don't really care. Ang gusto ko lang ay kilalanin pa itong nararamdaman ko para sayo. Huwag mo namang ipagkait sa akin." aniya at inakbayan ako. Ewan ko ba,napangiti ako at hindi mapigilang kiligin.
"Okay. Sabi mo eh." sabi ko na lang. Nagulat ako ng tinanggal nya ang pagkaka akbay sa akin at pinag intertwine nya ang mga kamay namin.
Libo libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag,pati sikmura ko parang may mga nagliliparan.
"Good. So bilisan na natin." nakangiti nyang sabi ng lingunin ako. Kumindat pa kaya napangiti din ako.
Habang naglalakad papunta sa klase ko ay madaming tumitingin sa amin at magbubulungan,pero parang hindi ito nakikita ni Keyven. O sadyang hindi lang nya pinapansin?
"See you later. Susunduin kita." aniya ng nasa tapat na kami ng room. "Study well." mabilis nya akong hinalikan sa labi saka tumakbo palayo.
Natameme ako. Yun ang unang halik bilang kami and it felt very different. Kahit na saglit lang iyon ay damang dama ko na parang lumipad sa langit ang aking kaluluwa.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...