Ano ba kita?!

119 3 2
                                    

Ang kwentong ito ay likha ng marumi, este malikhaing isip ko .Charot! Uhmm, kanina pa ako tingin ng tingin ng mga bagay-bagay dito sa kwarto ko para maging tipic ng new story ko kaso wala ako maisip kaya ito nalang ^_^ Ano ba kita? . Oh siya hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa bebe :))

ENJOYY :)

Gomawo for reading ^_^

***

ANO BA KITA?!

*Sa corridor

"Huwag mo siyang payagan!" sigaw Kevin, bespren ko.

"Ano ba naman Kevin! Pang-ilan na ba si Mike? Ano ba kasi pinuputok ng butsi mo at ayaw mo akong payagan siya?!"

"Basta, nararamdaman ko hindi siya seryoso"

"Ewan ko sa'yo! Kahit pa anong gawin mo hinding-hindi na ako makikinig sa'yo kahit na bestfriend pa kita! Siya na ang hinahanap ko at wala ka ng magagawa pa!"

Kanina pa ako kinukulit ni Kevin na kesyo hindi seryoso, kesyo pangit daw, mayabang, masyadong matalino. AAAAAAH!

Masyado na niyang pinakekealaman 'yung buhay pag-ibig ko! Alam niyo ba kung pang-ilan na si Mike kung babasted'in ko pa siya? Malamang higit sa pandalawampu na!

Kapag hindi ko sila binabasted, tinatakot ni Kevin o di kaya pinagbabantaan. Aba! May plano pa ata siyang tumanda akong dalaga? Ilang taon na ba ako? Tae! 18 na ako! Hanggang ngayon wala paring pumapasa sa taste ni Kevin.

Nung umamin ako na gusto ko siya mawala siyang karea-reaksyon. Tapos ngayon pahihirapan pa niya ako! Ayaw niyang magpaligaw ako, neknek niya! Ano ko ba siya? Kuya? Tatay? Hindi naman manliligaw at higit sa lahat . Hindi ko naman siya BOYFRIEND, bestfriend lang naman siya.

Kapag siya nililigawan ng mga babae wala akong pakeelam, pinagtutulakan ko pa nga para magkaron na rin ako kaso binabasted naman niya lahat tapos ganito igaganti niya sa akin? ABAMATINDE!

Inaya ako ni Mike na sabay na kami magrecess, kablockmate ko din naman siya. And guess what? Nakasunod na naman sa'kin ang magiting kong bestfriend na aking lihim na minamahal! Kaya kailangan ko na siyang iwasan.

Kanina pa ako kwento ng kwento di man lang kayo magreklamo! Di pa pala ako nakakapagpakilala, hahaha. Ako nga pala ang pinakamagandang dilag, binibini, diyosa na dito lamang sa St. Claire University matatagpuan. Nagkukwento ngayon sa inyo, a 18 year old stunner. HAHAHAHA OA?OA?

Gwynette Ann Buenafuerte. Ang babaeng palihim na nagmamahal ng lubos sa kanyang bestfriend at sinisimulan na siyang kalimutan at iwasan ngayon.

*Sa Canteen

"Hi Gwen, nag-order na ako ng pagkain natin. Kain na tayo?" Mike

"Uy pahingi!" sabay kuha ng pagkain ko na inorder ni Mike.

"Ano ba naman Kevin, dun ka nga!"

"Ito naman oh, dito na ako. Wala rin namang vacant table na oh, sige na bespren?"

"Oo na! Oo na! Basta manahimik ka lang diyan" sabi ko at hindi siya sumagot.

Iwas daw? Kalimutan daw? Hindi naman mapaalis. Hahaha, pakipot ganern?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ano ba kita?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon