Please, Stay.

78 3 9
                                    

Sa highschool raw ang pinakamasaya..

Kasi andito raw maiexpirience ang tunay na kaibigan, mga plastic, away, tuwa, kalokohan, kahihiyan, at iba pa.

Dito rin raw natin mararamdaman ang totoong ibigsabihin ng pagmamahal. At dito rin ang first heartbreak. Girlfriend/Boyfriend, yung mismong akala mo siya na. . .

.

.

.

"Baby!"  Grade 5 kami nagkakilala ni Miguel at naging kami nung 1st yr at hanggang ngayon na 2nd yr namin.

"Oh, Lia. Napapunta ka rito?" Sabi niya pagharap nya saakin.

Magkaiba kami ng room kaya ako napapunta rito para mabigay ang gawa kong cupcake.

"Tadaaaa!" Pinakita ko sa kanya ang box ng laman ng tatlong cupcake. . . 

"Oh? Para saan yan?" Sabi niya.

Bigla nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Anniversary naten ngayon.. Nakalimutan mo na?"

"Ha? Anniversary naten ngayon. Nako! Baby. Sorry, nakalimutan ko nanaman." Sabay kamot siya sa ulo niya.

"Tsk! Nakakalimutan mo na rin ang monthsaries natin ha! Baka sa susunod, ako naman ang makalimutan mo."

Kinuha niya ang box ng cupcake.

"Oy, salamat sa cupcake." Ayan nnman siya. Di pinapansin mga sinasabi ko. Minamasdan ko lang siyang tuwang tuwa sa cupcake na ginawa ko.

"Ayy, Sorry Lia. Andito na kasi adviser namin. Ge, maya nlang."

Sinarahan na ako ng pinto.

Nag-iisa nanaman ako. . .

Recess time na kaya ibigsabihin nito ay magkikita nanaman kami.

Tuwang tuwa akong naghihintay kay Miguel sa harapan ng pintuan nila, bigla na lang bumukas ang pinto nila at mga kaklase niya ay nagsilabasan na. Naghihintay akong mag-isa na lumabas siya.

at nung nakita ko na siya bigla ko hinawakan braso niya at hinila, nagulat siya sa ginawa ko.

"Shit, Lia! Ginulat mo ko dun." Natawa ako sa reaction niya.

"Ano nanaman ba?" Sabi niya na mukhang irita.

Tumigil ako sa pagtatawa.

"Aa,Eh. Sabay tayo magrecess."

.

.

.

.

Tumingin siya sa kaliwa at muling tumingin saakin.

"Sorry, Lia. Sasabay ako sa mga tropa ko. Matagal tagal na rin di ko sila nakasama." Ako ba? Naisip mo.

"Aaa. Sige, ayus lang. Sasabay nlng rin ako sa mga kaibigan ko." Ngumiti ako sa harapan niya kahit alam ko sa sarili ko, di ako masaya.

Iniwan niya ako. . .

Mag-isa akong kumain ng recess time. May mga kaibigan naman ako, pero di ko na sila masyado nakakasama dahil ang oras ko na laging na kay Miguel.

Biglang may dumaan na tatlong babaeng dating nakakasama ko lagi nung wala pang kami ni Miguel.

"Oh, Lia, Himala at wala si Miguel?" sabi ni Stacy.

Di ako nagsalita.

"Nakita ko siya kanina, kasama mga tropa niya kasama yung new student nila." Sabi naman ni Ciello.

Please, Stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon