Gavin Hayes
Tama nga ang hinala ko na si Kiersten at Brynn ay iisa. Sinabihan ko si Steven na hanapan ako ng ibang information about sa kanya. Well, Gusto niyong malaman kung bakit ko siya tinulungan non?
That time napa-daan lang din ako sa cemetery para bisitahin si Mom then I saw her. Hindi ko alam, parang may nag-uudyok sa akin na tulungan siya that time. Kaya hindi ako nag dalawang isip na puntahan siya. At kung pano ko nalaman ang pangalan niya? May nakalagay sa t-shirt niya. Sa may likod kaya nalaman ko. Sasabihin ko naman talaga na dahil don kaya ko nalaman kaso mas pinili kong asarin nalang siya. She's interesting and the same time mysterious.
"Bro why are you smiling?" Natatawa talaga ko sa itsura niya non. Akala niya stalker niya ko. Hahaha, no way! Ni hindi ko pa nga siya kilala non eh. Teka, ba't bumilis agad tibok ng puso ko? Love at first sight? the freak. no way!
" Tapos naman ngayon kumukunot ang noo? Inlove ata si boss. Baka may nililigawan na'yan?" Paniguradong mapapadali ang pag lapit namin sa kanila dahil kilala niya nako sa mukha. Kung natatandaan pa niya ako, halata naman na hindi siya interesado sa paligid niya. Sana matandaan niya ang gwapo kong mukha. Napangisi nalang ako sa aking naisip.
"Anlaki naman ng ngiti oh. Batukan niyo nga ng magising." Nakaramdam ako ng bumatok sa ulo ko kaya napabalik ako sa katinuan. Sinamaan ko lang sila ng tingin.
"Bakit ba kayo namamatok!?" Usal ko at binato sila ng unan na nandito sa couch. Naiwasan naman nila agad ito. "Bro inlove kaba?" tanong ni Razeph na nagpakunot sakin ng noo. What is he talking about?
"Bigla bigla ka nalang kasi ngumi-ngiti dyan tapos kumukunot pa ang noo? Hahahaha inlove siguro 'to." Ako? Ngumingiti? What the hell! Anong nangyayari sakin? Paniguradong tatadtadin ako ng mga tanong nito.
"May naisip lang, inlove agad?" Sabi ko kaya naisip ko nanaman ang nangyari last time. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Papa-check up nako susunod, baka may sakit nako sa puso.
"Who's that unlucky girl? Hahaha. Kwento mo naman." Kantyaw pa nila. Tumayo nalang ako at lumabas sa hide-out. Mas maganda siguro kung alamin na namin at simulan na ang pagiging malapit sa kanila. Isa pa wala naman kaming masamang balak. "Anong iniisip mo dyan?" Biglang singit ni Devon sakin. Kaya napalingon ako sa kanya at binigyan ng tipid na ngiti.
"Naisip ko lang kung mas maaga palang kilalanin na natin sila. Mas maaga palang mapalapit na tayo sa kanila. At isa pa, walo ang ibigay na information sa atin pero apat lang sila. Sa tingin mo sino at nasaan pa yung apat na babae?" Biglang seryoso ko. Agad naman siyang napatango.
"Right. Apat lang sila na lagi natin nakikita." sambit niya at napa isip din ng malalim.
"Sabihan mo sila mag-uusap tayo ngayon din." Tinapik ko siya sa braso pagkasabi ko non at dumeretso na sa kotse ko at nauna ng pumunta sa main hideout namin.
**
Hindi nag tagal ay nag datingan din sila agad kung kaya kanya kanya silang pwesto dito sa meeting room namin.
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
Novela JuvenilKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...