mineral water

39 0 0
                                    

Dear Papa Dudot,

Isang mapagpalang araw po sa iyo at sa lahat ng bumubuo sa mga programa ng brgy. Ls 97.1 ayos cute.Lalo na sa programang ito na Brgy. Love Stories..

Bago po ang lahat ay kagalakan ko na sabihin na gabi-gabi akong nagpupuyat sa pakikinig ng program niyo. Dahil sa mga nakakainspired na mga kwento ng pag-ibig ng pag-asa,at pagpupunyagi sa tunay na realidad ng buhay pag-ibig. Masasabi ko papa dudot na ako ay isa na sa milyon milyong tagapakinig ng iyong programa.At  sa pagsisimula ng aking kwento ay gusto ko sana na mapatugtog ninyo ang awiting LIKE A ROSE..

Papa dudot, naranasan mo na ba ang katagang eto :Life/lovelife is not always a bed of roses’. Tangan kasi papa dudot ay  ito ang naging theme ng kwento ng aking buhay pag-ibig.

Tawagin ninyo na lang po ako sa pangalang Doctor Heart Romantiko, 22 years old, single, from Carranglan Nueva Ecija,.

At ganito po ang kwento ng aking buhay pag-ibig, 4th year high school ako ng simulang magkaroon ng gf, at sa papaano nagsimula ito, hilig ko po ang magtxt noon, sa isang pagkakataon sabado, march 14, 2005 mga 3;15 pm, tandang tanda ko pa yan papa dudot ng may magtxt sa akin na ganito- PAKI DELIVERAN MO NGA KAMI NG MINERAL WATER,NAUUHAW NA AKO.. yan ang saktong txt sa akin, bagaman nagulat at nakaramdam ng pagkainis kasi gawin ba ako na delivery boy ng tubig,ang sagot ko ng ako’y magreply ay ganito..wala ko pakialam kung mauhaw ka ,kung sana na secret admirer kita baka hindi lang tubig soft drinks idedeliver ko saiyo..sagot ko..ngunit sa pakakataong iyon papa dudot ay napaisip ako, kung sino nga ba ang taong nagttxt sa akin ng ganun, at sa padaan ng araw ay patuloy pa din sa pangungulet ung tao na un, hanggang sa maconvince ko na siya pala ay classmate ko..sa pagkakataong un ay pinatxt lang pala ako ni Janice sa pinsan niyang si lyn, si lyn ay naging ktxtm8 ko na, nung una ng aming pagttxt sa isat –isa ay napaka sunget, mataray,basta moody siya,, ngunit hindi naglaon ay napalambot ko ang matigas niyang puso, at dahil dun ay naging magkaibigan kami, at hanggang sa lumalim ay naangkin ko ang matamis niyang OO. Masayang Masaya ako papa dudot, ang tawagan pa nga namin ay  Honey,.pero sa sweet ng aming tawagan ay siya namang tabang ng aming pagkikita . nung kami ay nagkita talagang pasulyap-sulyap lamang papa dudot. Ito ay nangyari nung minsang graduation sa high school at un ay graduation ko.nasa sasakyan ban siya habang hawak hawak ang pamangkin niya. Masaya na ako papa dudot dahil nasilayan ko ang mapang-akit niyang kagandahan.kasi alam ko bawal siyang makipag bf.

Taong 2005 ng ako ay tumuntong sa kolehiyo sa isang kilalang Universidad dito sa Nueva Ecija, hindi ko na lang po babanggitin,. Ng panahong iyon ay nakaisang taon na kami ng relationship ni lyn..ganun p din long distance relationship,bihira magkita, at sa txt at tawag lamang ang communication naming dalawa.masaya kami kahit ganun papa dudot basta may tiwala kami sa bwat isa.

Ng panahong iyon ay lumuwas si lyn sa probinsya sa cavite upang matrabaho sa isang pabrika, gayon man na nagwowork siya at ako naman ay nagaaral ay tuloy pa din an gaming communication at pagmamahalan. Hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na siya ay nagtxt ng ganito..nakakasagabal na ako sa pagaaral mo sabi nia,nagulat ako papa dudot, at tanung ko sa kanya baka naman may iba kana jan,,at sa huling reply niya ay ganito,,malalaman mo din,sana mapatawad mo ako..

Matapos nga ang txt na un ay ilang buwan na ang nakakalipas mga 3months na wala kaming komunikasyon ni lyn.. ,sa isang pagkakataon ay ngtxt si Janice sa akin na pinsan ni lyn, kunwari ay nangamusta ako sa kanya pero ang totoo ay gusto ko ng malaman kay Janice ang gabi-gabing bumagabagabag sa akin na isipin patungkol sa estado ng relasyon naming ni lyn.Nung una ay palaging palihis ang mga reply na sagot sa akin ni Janice na klasmate ko, ngunit sa 3 minuto ng aming pagttxt ay siguro nakulitan na rin siya at sabay sabi sa akin ng ganito: doctor heart, alam ko na mahal na mahal mo si lyn, pero ako na mismo ang humingi ng pagpapatawad mo sa kung anung kasalanan ang nagawa saiyo ng pinsan ko., at reply ko naman sa kanya ay ganito papa dudot, anu ba ang nagawang kasalanan ni lyn sa akin at sukdulang ikaw pa ang humihingi ng pagpapatawad sa bagay na hindi ko din alam, pakiusap sabihin mo naman sa akin kung anu yun, masakit man yun ay tatanggapin ko,at walang magbabago..At sa muling reply niya,doctor heart buntis si lyn,3months na..ang reply niya sa akin..Sa puntong yun papa dudot ay parang gusto ko ng mamatay sa kinahihigaan ko, nkaramdam ako ng pagsisikip ng aking dibdib sa balita hindi akma sa aking puso,pandinig, at maging sa aking isipan., hindi ko nga namamalayan papa dudot ay unti-unti na pa lang umaagos ang luha sa aking mga mata, at sa pagkakataong yun ay hindi na ako nakapagreplay pa kay Janice.Buong magdamag akong gising papa dudot, dinaig ko pa ang nakikipaglamay sa isang patay, kasi kahit inumaga na ako na gising ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagkaantok. Damang-dama ko papa dudot ang pagkalugmok sa burak ng putik, na kahit siguro maghugas ka ay maiiwan pa din na amoy at mansa ng iyong pagkalugmok sa putik ng sakit ng tunay na kabiguan.

Sa ika -8 buwan na wala kaming communication ni lyn ay nagulat ako na my numero na tumatawag sa akin, at ng ako’y mag- hello, ang sagot agad sa akin ay ganito,sorry,patawarin mo ako, hindi ko sinasadya.. sa puntong un papa dudot ay hind na ako nakaimik pa, cguro dahil na rin sa sakit na naidulot ng pagkakamaling nagawa sa akin ni lyn.,

Dalawang linggo matapus na tumawag si lyn, ay ako na mismo ang gumawa ng paraan alam ko na napatawad na siya ng Diyos, kaya naman pinatawad ko na din siya. At sa pagdating ng araw na manganganak siya ang matamis ko na tugon kay lyn ay ako na ang magiging ama ni joy.ung anak ni honey ko.kasi hindi naman kasi pinanindigan ng lalakeng nakabuntis sa kanya kasi nga may sabit si lalake dahil may pamilya na ito.at based na din sa mga impormasyong nakalap ko nagtago na si lalake,at ang masakit hindi alam ng asawa niya na nakabuntis ito.

Gayunman papa dudot, sa kasalukuyan ay naging magkaibigan na lang kami ni lyn, kung dadating man na maging kami ulet ay hindi na ako aasa muna, sa totoo lang papa dudot manhid na ang puso ko para magmahal, sa 6 na taon ng nakakalipas sa ngayon ay dalawang beses din naulet ang ngyari gaya ng ngyari sa sitwasyon namin ni lyn noon.

Ang pinagkaiba lang ung isa nagpalaglag,at isa naman hindi nabuntis pero nasira na ang kanyang pagkababae.

Yan po papa dudot ang aking kwento, ng aking masaklap na kwento ng aking buhay pag-ibig. Bagama’t nabigo,ay marami naman akong natutunan sa tunay na kahulugan ng pag-ibig.Sigurado ako maraming nakakarelate sa kwento ko ngayong gabi/umaga na po pala.Salamat saiyo papa dudot, sa pagkakataong nabasa mo ang aking kwento.Lagi nating tatandaan :bagama’t tayo’y nabibigo sa buhay ay mawawalan na tayo ng pag-asa,tandaan ntin  habang may buhay may kalakip ng namumulaklak na tunay na pag-asa.Sana sa patatapus ng kwento ko ay patugtugin mo ang awitng The Power of Love.

 Lubos na nagpupuyat sa pakikinig saiyo,Doctor Heart Romantiko ng Carranglan Nueva Ecija.    

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

mineral waterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon