-"Uy! Rain! Teka lang, teka lang."
Napatigil ako sa pag lalakad nang marinig ko ang boses ni Dream.
"Oh, Dream. Ikaw pala. Bakit?"
"Invite sana kita sa debut ko. Ngayong sabado." Ngumiti sya sa akin at saka inabot ang invitation.
"Ah, sige. Pupunta nalang ako." Ngiti ko namang sabi pabalik.
"Sige! See you, Rain. Bye." Paalam nya sa akin dahil sinundo na sya ng driver nya.
Tinignan ko ang invitation habang nag lalakad ako papunta sa kotse.
" Dream Alcantara @ 18 "
What: Dream Alcantara's Debut
Where: Amityville Subdivision, Alcantara Residences
When: February 17, 2019, 6PM.
Theme: Mascarade Ball 🎭
Dress Code: Formal (Gowns and Tuxedos)Note: Bring a mask, let no one know about your name.
Yan ang nakasulat sa invitation. Mascarade Ball ang theme. Bukas na yun. Friday na ngayon eh. Meron naman akong suit sa bahay. Okay na yun.
Nag drive na ako papunta sa Starbucks para kumain at mag isip isip.
Nag park na ako at pumasok na sa Starbucks na malapit sa school. At di naman ako nagulat na andun din si Kathryn at ang grupo nya.
Well, what's new? Lagi naman silang andito pagkatapos ng klase.
Nilapag ko na bag ko sa bakanteng upuan at umorder ng Caramel Frappe at isang slice ng blueberry cheesecake.
Habang kumakain, napapansin ko na tingin nang tingin sa akin si Kathryn at ang grupo nya.
Elementary palang kami ni Kathryn, mag kaibigan na kami. Nag tuloy tuloy yung pag kakaibigan namin hanggang 4th year highschool.
Pero, nung graduation day mismo namin, naaksidente sila.
Galing kasi si Kathryn nun sa bar, pagkatapos ng program ng SH para mag celebrate. Tapos, naparami yung inom nya. Nung pauwi na sya, dahil sa sobrang kalasingan, hindi nya nakitang may mabubunggo na syang truck. Ayun, nagkabungguan sila.
Ending? Lumipad yung kotse nya, tumilapon sya. Nag 50/50 yan sa hospital bed. Na-comatose.
Nagkaroon ng amnesia si Kathryn. Wala syang maalala. Ni pangalan nya.
Alam mo yung pinaka masakit?
Ako, ako mismong bestfriend nya, hindi nya maalala at makilala.
Sobrang sakit sa parte ko na makita syang nakaratay sa hospital bed, kung ano-anong apparatus ang naka salpak sa kanya. Puro sya galos at sugat.
Masakit. Kaya pinili ko nalang na kalimutan yun.
Pinili ko nalang makalimutan lahat ng pinag samahan namin.
Pinili ko nalang makalimutan yung nararamdaman ko para sakanya.
Kaya pilit ko syang iniiwasan at tinutuon ang atensyon ko kay Dream.
Pagkatapos kong maubos yung iniinom at kinakain ko, lumabas na ako at nag drive na pauwi.
"Ma? Andito na'ko." Sigaw ko habang kumakatok sa pinto.
"Oh, teka lang. Papunta na'ko." Narinig ko namang sigaw nya sa loob.
Maya maya eh binuksan na ako ni Mama at pinapasok sa loob.
Kung tutuusin, halos kasing-yaman lang namin ang pamilya ni Patricia Javier.
Wala, share ko lang. Hahahaha.
Umakyat na ako sa kwarto ko at napag isipan kong umidlip muna.
.......................
"Rain? Kakain na tayo, baba na 'nak." Sigaw ni Mama sa labas ng pinto ko.
"Pababa na, 'Ma!" Sagot ko naman sakanya at bumangon na para mag ayos.
Pagkababa ko, naabutan ko si Mama, Papa, at si Cyrene na nakababata kong kapatid na nakaupo na sa mesa.
"Kuya, upo ka na." Wika sa akin ni Cyrene.
Umupo na ako at nag simula nang kumain.
"'Nak, nakita ko yung invitation sa debut ni Dream, pupunta ka?" Tanong sa akin ni Papa.
"Ah, opo Pa." Sagot ko naman.
"Ah sige sige."
"Kuya, sama ako." Sabi sa akin ni Cyrene habang naka-pout.
"Hahahaha, di pwede eh! Next time, Cy." Sagot ko naman habang nakangiti.
"Aw, sige kuya. Last dance ka ba, Kuya?" Tanong ni Cyrene habang binibigyan ako ng mapang-asar na tingin.
"Baliw hahahaha di ko din alam baby sis. Balitaan nalang kita."
"Osige kuya ha! Asahan ko yan!"
Natapos ang hapunan naming pamilya puno ng tawanan at kwentuhan.
"Ma, akyat na'ko sa kwarto ha." Sabi ko kay Mama.
"Sige 'nak. Good night 'nak." Sabi naman ni Mama at lumapit para halikan ako sa pisngi.
Mahal na mahal ko talaga si Mama.
Umakyat na ako sa kwarto at hinablot ang Macbook ko at binuksan ito. May pinapagawa kasi si Prof. Paule na essay sa English kaya gagawin ko na ito para wala na akong aalalahanin bukas.
Natapos ko naman ang essay bandang 10:30 at sinara na ang laptop ko.
Humiga na ako sa kama at pinagmasdan ang kisame ko hanggang sa makatulog ako.

BINABASA MO ANG
Sweet Revelations [ ON-HIATUS ]
FanfictionKathryn Mari Reyes or Kate- as what she preffered to be called, is a bitchy heiress and daughter of the world's most famous model turned fashion designer. She has all the good things in life, but will she ever have her own dose of life's sweet revel...