Chapter Eighteen: Hinala
Addison Wren
Sira ulong lalaki na yon. Asarin ba naman akong may bilbil. Kainis! Ang sexy sexy ko kaya. Psh! Pero naghihinala talaga ko sa mga kilos at salita niya. Calling card? Pwede matrace? Siya na professional. Pero hindi padin ako satisfied doon. Agad namang may pumasok sa kwarto ko.
"Addy? Hindi ka ba naghihinala sa mga salita niya? I mean there's something strange." Tanong ni Kaleah ng makaupo siya sa kama ko. Dapat hindi rin nila malaman na naghihinala ako. Aalamin ko ito!
"There's nothing. Kung ano ano nanaman naiisip mo. Atsaka mabait naman yung tao. Itatanong ko mamaya kung bakit niya ako sinusundan." Sagot ko naman at pumasok na sa banyo para maligo.
Hindi nagtagal ay natapos nako sa paliligo ko kaya sinuot ko nalang ang high waist jeans ko at crop top na kulay gray. At pinartneran ko nalang ng lowcut converse shoes. Naglugay lang ako at bumaba na. "Mga babae nga naman antagal kumilos." Sabi niya na natatawa. Inirapan ko nalang siya at nauna ng lumabas.
"Lakad nalang tayo dyan lang naman sa labas ng Subdivison iyon eh. Malapit lang. Atsaka isa pa hindi naman mainit." Pagkukumbinsi ko. Mas trip kong maglakad ngayon eh.
"Sige tara na." Sabi niya. Nagumpisa na kami maglakad, Okay naman ang atmosphere. Kaya lang tahimik kami pareho. "Saan kaba nakatira?" Pagtatanong ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Para may topic nagtatanong lang. Hindi naman kita pupuntahan don, Asa ka!" Sabi ko at inirapan siya.
"Whooa! Chill. Wala pa kong sinasabi. Ano bang iniisip mo dyan? Pfftt hahahaa." Tawa niya shit. Nakakahiya ka Addy.
"Tsk." Nasabi ko nalang at binilisan ang paglalakad. Kaya pati siya ay binilisan nadin. Grabe nakakahiya yon. Psh! Tatlong kanto pa at makakarating na kami. Sana pala nagkotse nalang pala kami para mabilis.
"Uy eto naman. Joke lang yon. Hahaha. Malapit lang din kami dito sa Subdivision niyo nakatira." Sabi niya ng maabutan ako. Hindi ko nalang siya pinansin pa. Baka asarin nanaman ako nito eh! Mahirap na.
"Sunod ikaw naman ang manlilibre, Pasalamat ka may atraso ako sayo kaya pumayag ako ngayon." Anong sa susunod? Tsk. Wala ng susunod. Pisti ka!
"Edi thankyou." Pamimilosopo ko naman sa kanya. Grabii! Kung wala lang talaga akong kailangan dito hindi na sana ako magpapalibre. Ilang minuto pa at nakarating din kami sa Ice cream parlor.
"Anong order mo?" Tanong sakin ni Reighn. Namimili pa ako kung anong masarap ng magsalita na siya sa counter. "Dalawang rocky road miss." Sabi niya at nagbayad. Nagtanong pa siya kung siya din naman pala ang magdedesisyon.
"Nagtanong ka pa? Tsk. Tara na nga maupo na tayo don sa dulo." Sabi ko at hinila na siya doon. Kalokohan talaga nito. Aish!
Ng makaupo kami ay saktong pagdating din ng inorder niyang ice cream. Buti nalang hindi ako maarte sa flavor. "Baka gusto mo ng simulan magkwento noh?" Tanong ko habang inaabot niya sakin ang ice cream.
Tumikhim muna siya bago sumubo ng isang kutsara ng ice cream. Ako naman ay tuloy tuloy lang sa pagkain at hindi siya nililingon. "Okay. Kasi ganito yan, una hindi moko stalker, Wala naman talaga akong balak sundan ka kaso ganon na nga ang kinalabasan hahaha! That time naligaw ako, mali yung way ko kaya balak ko sanang magtanong sayo. A-at that time nagmukha talaga akong sinusundan kita." Paliwanag niya. Hindi parin ako satisfied. Nakaka panghinala naman ang isang 'to.
"Eh bakit marunong kang makipaglaban?" Pagtatanong ko pa ulit. Nakita ko namang nagulat siya ngunit mabilisan niya itong napalitan ng isang malaking ngiti. Sino ba namang tao ang hindi maghihinala kung ganito pala ang kinikilos niya.
"Ahhh ayon ba? Nag aral kasi ako ng martial arts. You know?Hahaha Pang defense ba. Hehehe."sabi niya sabay kamot sa batok. Sinungaling. Nginisian ko nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Still not satisfied." Sabi ko at tinignan siya sa blankong expression. Nagkibit balikat nalang siya at kumain na ulit. Una, calling card. Second, Ito. Saan kaya ako maniniwala sa dalawa?
"What's your full name?" Tanong ko ng simple lang. Kakaibiganin ko nalang muna siya sa ngayon. "Reighn Von Hamilton, 16 and You are?" Sabi niya at inabot ang kanang kamay. Paraan na pakikipagkilala niya.
"Addison Wren Slaucher, Same age." Sabi ko at inabot ang kanang kamay niya. Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.
"Friends?" Tanong niya. Ito na yung tamang tyempo para kaibiganin siya. At mukhang umaayon sa plano ko. "Friends." Sabi ko at nginitian lang siya. Saktong ubos narin ang kinakain namin kaya inaya ko na siyang umuwi.
*****
Lincoln Dane on multimedia👆Next chapter ipapakilala ko po yung ibang member ng Aspire gang. At abangan ang apat pa na member ng Black Shadow Gang. Soon, Makikilala niyo din sila.
Thankyou for reading and also don sa mga magbabasa palang. Hope you enjoy and like it readers. Labyah! Dont forget to click Vote down there👇 See you 'til the last chapter of this story. And also dont forget to follow my Account. Thankyou~
BINABASA MO ANG
Long Lost Mafia Girls
TeenfikceKiersten, a cold, sarcastic, emotionless, and a mean girl meets 3 girls similar to her. They formed a group named "Black Shadow Gang". She trained them to be undefeated gangsters like her,but before that she have a 4 remaining member in other count...