"May tumututol ba sa kasalang ito?"
"Itigil ang kasal!"
Nagulat ang lahat nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Napatingin ang lahat sa lalaking sumigaw.
Kwon Soonyoung.
'Hanggang dito ba naman maninira ka?'
Nagsalubong ang kilay ng isa sa ikakasal. Naiinis siya dahil sa biglang pag-eksena ni Soonyoung sa kasal niya.
"Father pakituloy na po ng kasal. Naggugulo lan--,"
"Jihoon."
"Oh bakit Seungcheol? Ituloy na natin 'yung kasal. Nanggugulo lang 'yan si Soon--"
"Jihoon, I'm sorry," sandaling napatigil si Jihoon dahil sa sinabi ni Seungcheol.
"Bakit ka nagso-sorry Cheol? Wala ka namang kasalanan," kinakabahang sabi ni Jihoon. Tumingin naman siya sa likuran at nakita niya si Soonyoung. "Hoy Soonyoung! Umupo ka na riyan at itutuloy namin yung kasal. Nanggugulo ka p--"
"Jihoon let's stop this."
"A-ano bang sinasabi mo Cheol. I-ituloy na natin. 'Wag nalang nating intindihin s-si Soonyoung."
Nagulat na lamang si Jihoon nang nasa harapan na si Soonyoung. Nakatingin ito ng masama kay Seungcheol.
"Tsk. Cheol hyung sabihin mo na," inis na sabi ni Soonyoung.
"Teka, a-anong sasabihin? Soonyoung a-ano ba 'yang pinagsasabi mo?," kinakabahang sabi ni Jihoon.
Pilit man niyang itanggi, alam niya sa sarili niya kung ano ang mangyayari ngunit ayaw lang niyang aminin sa sarili niya.
"Jihoon, I don't love you romantically. Nagkamali ako. Na-realize kong mahal lang kita bilang kapati--"
Napasinghap ang lahat nang biglang sinampal ni Jihoon si Seungcheol.
"Ba't ngayon mo lang sinabi? Hahayaan mo na lang bang magpatali ka sa taong hindi mo naman mahal? Tanga ka rin eh. Sino bang mahal mo diyan? Si Jeonghan hyung? Si Jisoo hyung? O baka naman si Ch--"
"Si Chan. Si Chan ang mahal ko."
Napasinghap ulit ang mga tao dahil sa sinabi ni Seungcheol.
Napatayo naman si Chan dahil sa gulat.
"P-pero Seungcheol hyung, akala k-ko ba hindi mo ako mahal?"
"Chan, I'm sorry. Nagkamali ako. Natagalan bago ko napagtantong mahal kita. Chan, mahal kita."
"Mahal din kita hyung."
Napangiti ang dalawa dahil sa sinabi ng isa't isa. Lalapit na sana si Seungcheol kay Chan ngunit natigilan siya at tumingin kay Jihoon.
"Sige na Cheol. Pumunta ka na," sabi ni Jihoon at ngumiti. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Imbis na masaktan siya, siya ay nasisiyahan sa nakikita niya. It's genuine happiness.
"Salamat Jihoon. Sana mapagtanto mo rin na iba talaga yung mahal mo," sabi ni Seungcheol sabay tingin kay Soonyoung. Agad din naman siyang pumunta sa gawi ni Chan.
"Umuwi na kayo! Wala nang mangyayaring kasal--"
Natigil si Jihoon sa pagsigaw nang idampi ni Soonyoung ang kaniyang hintuturo sa labi ni Jihoon.
"Ssh. 'Wag ka nang magsalita. Matutuloy ang kasal," seryosong sabi ni Soonyoung.
"Anong matutuloy? Kita mo ngang may ibang mahal si Cheol eh. Dahil sa'yo 'to eh. Ikaw ang may kasalanan kung bakit masasayang yung pera namin eh. Ang mahal kaya ng binayad nami--"
Natigil sa pagsasalita si Jihoon nang marinig niya ang tawa ni Soonyoung.
Sisigawan na sana niya si Soonyoung nang mapatingin siya rito.
Nakangiti sa kan'ya si Soonyoung. Isang ngiting nagpapahiwatig na siya'y masaya.
Then it hit him. Jihoon realized something. Nalaman niya kung bakit hindi siya nasaktan nang sabihin ni Seungcheol na may iba siyang mahal. Namulat siya dahil sa isang ngiti. Ngiti ng taong mahal niya.
"Huwag kang mag-alala Jihoon. Itutuloy natin ang kasal. I'll marry you Jihoon."
--------