XV - Issues

50 32 121
                                    

Chapter Piptiin </3
"Issues"

---

~Renée's Side~

Halos magiba na yung dibdib ko habang naglalakad papuntang room. Hindi na nga ako makarinig sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa sobrang kaba. Ilang araw na din ang lumipas after nung nakakalecheng araw na 'yun. Lagi kasing walang pasok since may bagyo so today is the official day after all of that kineme churva and I'm so freaking scared sa mga posibleng mangyari kapag itinapak ko na ang paa ko sa loob ng room.

I'm talking about Bff!!!!!!!

Napakaraming miss calls at text messages ang pinaggagagawa niya sakin few days ago pero hindi ko na nasagot kasi nasira battery ng phone ko bibili pa lang ako ng charger kaya malamang sa malamang galit na galit na galit na sa'kin 'yun ><

Ayan naaaaaaaa! Ilang dangkal na lang layo ko sa pintuan huhu naiiyak na agad ako shet shet sheeeeeet.

Pagkabukas ko ng pinto lahat ay naglingunan sa direksyon ko. Para akong batang napayuko sa kahihiyan saka dahan-dahang pumasok sa room.  Jusko never ko 'to ginawa kahit nung mga panahong nale-late ako. Bago pa man ako tuluyang makapasok ay isa-isa na akong inulan ng mga tanungan.

"Huy Ramirez anyare?????"

"Ano ibig sabihin noon???"

"Boyfriend mo si Anderson, pa'no na si De Guzman???"

Nakayuko lang ako habang pilit na nilalampasan sila. Kakapasok ko pa lang pero gusto ko na umuwi.

Papalapit na ako sa upuan ko ng bigla akong hatakin ng kung sino saka manilis na ipinaupo sa pinakadulong upuan ng kwarto. "Maupo ka diyan." Madiin na sambit ni Bff.

"Oh ano tinitingin-tingin niyo!?!" Agad namang nagsitalikuran ang lahat at saka ipinagpatuloy ang kani-kanilang ginagawa na para bang walang nangyari saka humarap ulit sa'kin si Bff.

"Alam kong alam mo kung bakit. H'wag mo'kong paghintayin, Ramirez." Napangiwi ako sa tono niya lalong lalo na sa part kung saan tinawag na niya ako sa apilyedo. Sheyt ko lagot na'ko.

"S-syempre hindi 'yun totoo, ano ba kayo." Panimula ko. "Nag-alala lang ako kay Joa-- Jm kaya ko nagawa 'yu--"

"Nag-alala to the point magpanggap ka na gf ka? Huwaw. Best solution naman no'n." Sarkastikong putol sa'kin ni Bff saka pumalakpak ng mabagal na ikinatingin ng iilan.

"Bff hindi mo kasi naiintindiha--"

"Pwes ipaintindi mo!"

Nagulat ako nang sumigaw siya at ibinagsak ang mga palad sa desk na ikinauupuan ko. Tanda 'yon na ganun na siya kainis sa'kin. Ewan pero halos manubig na mga mata ko. Ngayon ko lang na-realize na sobrang tagal na pala naming hindi nagkakausap tapos ganto pa malalaman niya. Feeling ko sobrang nasasaktan siya kasi parang tinraydor ko siya huhu.

Nakita ko pa siyang pinigilan ni Val na para bang nagpakalma sa kanya saka umayos ng tayo pero si Val na lang ang nagsalita. "We're just worried sick. Can you tell us what really happened, Renée-girl?"

"Kasi bakla ako." Napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng boses na 'yun at 'dun ko nakita si Joanna sa may pintuan at kasalukuyang isinasara ang pinto saka humarap at patuloy na nagsalita.

"Yes, it's all because I'm gay and Renée here is just being a very very very nice friend for covering that up for me. As you all know, I'm the younger brother of Mr. Anderson here, one of the newly hired professors of this university. My family doesn't have any single idea of what I really am. But after that 'incident' where issues starts to circle me, those boys started hunting me. First, because my brother is their worst nightmare. Second, I'm their professor's gay brother. Third, to get their revenge. They started bullying me in my other classes, up until that day after our break, when I decided to go to the comfort room. The three really waited for me until they got the chance to harrass meㅡ 'coz they think I'm that kind of gay, pero hindi 'yun natuloy kasi dumating si Renée. She saved me once and then twice when she stood in front of Ms. Gina, those assholes, and to everybody that I'm not gay because she's my girlfriend."

Courting The Gay Campus Heartthrob (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon