5 years (Present)
Nasa isang Beach ako kung saan gaganapin ang Wedding party ng kaibigan kong si Jasmine and Christopher.
"Bilaaat! Dumating ka!" Pagbukas ko pa lang ng pintuan ng sasakyan ko, 'yan agad ang bumungad sakin ng kaibigan kong si Jasmine.
Lumabas agad ako at niyakap siya. "Bilaaaat! Congratsss! Waaa! Seryoso na ba 'to??" Until now, hindi parin ako makapaniwala!
"Oo nga bilat! Can't you see??" Proud niyang pinakita sakin ang singsing niyang suot. Gosh, totoo nga..
Tumili kami at nagyakapan sa isa't isa. Shiit! Naiiyak ako!
"Oh, Wala munang iyakan teh. Postponed muna ha? Postponed." pinahid niya ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Humagulhol na ako ng iyak. "Waaa! Ikakasal na ang Best friend kooo! Waaaa! Pano na ako? Ako na lang mag isa ang single?" Para akong bata kung umiyak. Di ko kasi mapigilan maging emosyonal! Hellooo?? 5years had past! simula nang wala na kami nang EX ko! Kamusta naman ang lablyp ko diba??
Naiingit ako na Natutuwa rin. Naiingit ako kasi nakita na niya ang lalakeng para sa kaniya. Natutuwa ako kasi... Bestfriend ko ikakasal naaa. Tangina! Akala ko forever ng 'di na magkakagusto ang gagang yan sa lalake. (Man hater kasi ang loka.) basta Masaya ako sa dalawa.
Andito ako ngayon sa Seashore naglalakad.
"Kailan ko din kaya mahahanap ang lalakeng para sakin?"
"Magtatandang dalaga na lang ba ako forever?"
"Sayang naman ang ganda ko! Sa ganda kong 'to?! Wala man lang nag tangkang lumapit sakin??Ughh! Edi wag silang lumapit! Kawalan sila? Kawalan? Aish!" Para akong tangang babae dito na kinakausap ang sarili.
Tinignan ko ang dagat habang patuloy naman ako sa paglalakad.
Nakaka relax pakinggan ang mga alon ng dagat.. Sabayan pa nang malalakas na simoy ng hangin. Goodness! I miss this. Matagal tagal na rin akong 'di nakakapag punta sa mga Island katulad nito. It sooo relaxing!
"Ay Pisting nilalang!" Bigla na lang akong na dapa! Shit! Pangit naba ako?? Shit! Shit!
"Ouch.." May narinig ako sa likod ko na nag 'ouch'
"Ano ba yan Miss! Bulag kaba? 'Di mo ba tinitignan ang dinadaanan mo??!" Pagalit na sabi nang lalaki.
"Fvcker! Ikaw pa' yong galit!? Samantalang ikaw ang nasa daan. Alam mo namang may dadaan, 'di kapa tumabi! Gago ka pala eh." Inis kung pinagpag' yong mga buhangin sa tuhod ko. Shit! Magkakasugat pa ata ako. Kainis!
"Kababae mong tao ang lakas mong mag mura." Biglang naging mahinahon ang boses ng Lalake na akala mo kanina kung sinong maka asta! Siya naman ang mali.
"Ano naman kung malakas akong magmura? papasok na ba ako sa hell nyan?" Nilingon ko ang walang hiyang lalake.
Bigla na lang ako na estatwa..
He smirk. "Long time no see, Shan.." Bigla akong nanlamig. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Shit! What the hell is this!? Bakit kami nag kita??! Ngayon pa talaga?? At dito pa sa Venue kung saan gaganapin ang kasal ng bestfriend ko? Dito pa talaga?? Tangina!