Simula

9 0 1
                                    

Brian's POV

Whatda? Bakit may pinapalibutan nang mga babae dun? Dapat sa akin sila nakatingin! Sa gwapo kong mukha lang dapat!

Malalagot sakin yang lalaking tinititigan nila!

"Bry ano kayang meron dun?" Kalabit sakin ni Tyron habang tinuturo ang kumpulan nang mga babae.

"Kaya nga. Diba dapat tayo ang inaabangan nila?" Reklamo naman ni Devon.

May napadaang lalaki sa tapat namin kaya hinablot ko ito sa kwelyo.

"Anong meron dun?"

Halos hindi maipinta ang pagmumukha nang lalaking hawak ko dahil sa takot.

"M-m-may a-a-ano…" utal utal na sabi nito na kinairita ko.

"What? Ayusin mo yang pagsasalita mo o gusto mong hilain ko yang dila mo?" Pananakot ko dito. Ayaw na ayaw ko ang pinaghihintay ako dahil wala akong pasensya. At ang aga aga nabbwisit na ako dahil sa kumpulan nila dun.

"May gwapo kasing bata na nandun. K-kamuha mo nga eh. Kaya pinagkukumpulan nila" binitawan ko ang kwelyo niya at kumaripas agad nang takbo yung lalaking yun.


Lumapit kaming tatlo sa kumpulan para makita kung ano man iyon.


"Andyan na ang mga King"

"Kamukha niya nga si King Brian"

"Oo nga…"

Sari saring sabi nang mga babaeng nakatingin kanina sa bata at ngayon sakin na nakatingin.

"Tinitingin tingin niyo diyan? Gusto niyo dukutin ko mga mata niyo? Tabi!" Agad na lumayo lahat nang mga babae at nakita ko na ang batang tinutukoy nila.

"Fuck bro. Kamukhang kamukha mo nga. Parang photocopy"-Tyron

"Anak mo ba to Bry? Kamukhang kamukha mo oh. Wala ka namang kapatid diba?"-Devon


"Daddy!!!!" Sigaw nang bata at niyakap ang binti ko.

"Whatdaf! Sino ka?!" Sigaw ko sa batang nakakapit sakin at pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sa binti ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm a Daddy?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon