Naglalakad lakad ako dito ngayon sa hallway ng University ng makita ko siya. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya ngumingiti nalang ako na parang tanga. Ibang klase kase talaga siya eh. Iba yung karisma.
Siya nga pala ang palagi kong inii-stalk. Si Renz Akiro Hase. Half japaneese siya kaya iba ang apilyido niya. Hindi ko nga makalimutan eh kung pano kami nagkakilalang dalawa.
*flashback*
Patungo ako ngayon sa office ni Mr. Ocampo dahil may iniutos siya sa akin. Ibigay ko daw sa Secretary ng Student Council ang mga papeles na hawak ko ngayon. Kumakanta kanta pa ako. Pero bago ko tumuloy sa pagkanta lingun lingun muna tayo.
Lingun sa kanan? Check
Lingun sa likod? Wala
Lingun sa kaliwa......
Napako ang tingin ko sa library dahil may tao kasi. At dahil may pagkachismosa ako, pinuntahan ko yun at nakita ko ang isang lalaki. Hindi siya familliar sa akin. Tila may hinahanap.
"Ehem"
0_0 wahhh first time kong masnob ah.
"Uyy kuyang di ko po kilala ano po ang hinahanap niyo perhaps I can help." tinignan niya ako ng matalim. Hmmp wala pang gumagawa niyan sa isang Catalan. Pero kahit na, yung mga tingin niya kasi eh, wahhh nakakatakot.
"Wala kang paki-alam kung ano ang hinahanap ko at kung meron man hindi ko rin naman kailangan."
Ano daw? Bakit ang sakit kayang mabroken hearted ngayon? Djwk. *_*
"Eh hehe sige po labas na ako, mukha kasing KAYA niyo na pong hanapin mag-ISA" capslock ang 'kaya' at 'isa' dahil diniinan ko talaga yan sa pagkakasabi.
Pagkatapos ng makahurt-hurt na scenario dun sa library, ginawa ko nalang ang iniutos sa akin ni Mr. Ocampo. Pero sa di malamang dahilan napangiti nalang ako at biglang nagtanong sa sarile?
Sino kaya yun? Bakit kaya ang harsh niyang magsalita?
*flashback ends*
Yun nga ang nangnayari and actually simula nung mangyari yun, sa di malamang dahilan, naging interesado ako sa kanya.
Kaya may mga nalalaman na ako. Nalaman kong di pala talaga siya palasalita at kung magsalita man minsan lang, napagkakamalan ngang pipi eh. Hindi rin siya palahalubilo. Kahit maraming naghahangad sa kanya upang maging kaibigan, wala parin akong nakikitang nakakasama niya.
" Zhaji Ayesha Catalan,HOY ABA'T KANINA PA KITA TINATAWAG AH BA'T BA DI KA NAKIKINIG?" sigaw ng amazona/bruha kong SHITmate habang nakapamewang.
Di ko namamalayang nandito na pala ako sa upuan ko at ngayoy sinisigawan na ng katabi kong si Margot.
"Oh bakit ?"
"Kinginers mo pota, kanina pa ako dada ng dada dito tapos yan lang sasabihin mo 'oh bakit'? Tss." Hay nako. Ang babaeng toh talaga di marunong lumugar sa pagmura. Kahit saan yan nagmumura eh.
Btw. Ako nga pala si Zhaji Ayesha Catalan. 21 years old palang. Bunsong apo ng presidente ng Catalan Empire. Anak ng presidente ng Catalan Penshops, which is all over the world , my dad- Zacharat Catalan and my mom- Alijah Catalan. May kuya at ate ako. Si Allison Yaji Catalan at ang kuya namin na si Marco Zach Catalan. Di ako gaanong kagandahan di rin gaanong kapangetan haha. Pero wala akong bestfriend kahit isa, si Margot Vilan lang ang palagi kong pinapansin, yung iba bahala sila. Pero kung tinatanong niyo ako kung bakit, abay ewan ko rin.
"Ay sorry po ha" sarkastik kong tugon sa kanya saka nagpatuloy "alangan namang sabihin ko 'Uy margot long time no see and no talk ano nga ulit yung sasabihin mo sa akin noong nakaraang taon?' Tss."
"Aish bahala ka nga sa buhay mo Zhaji. Ay oo nga pala may bago daw tayong kaklase. Exchange student daw galing sa Sciencia University." Sus kung alam ko lang, obvious naman masyado na nagdadasal syang sana gwapo ang Exchange Student.
"Kdot. Sana mabait at sana panget." asar ko sa kanya at tinapunan lang ako ng masamang tingin.
Ilang minutos ang nakalipas at dumating na din ang aming Professor- Mrs. Cynthia Natividad.
"Good morning class."
"Good morning Mrs. Natividad." Tugon naming lahat.
"Okay you may take your sit. As you can see malapit na ang contest natin regarding Language that's why we need to have an exchange student for seniors. Our top 1 pol-sci student- Zandrew Orvin Laurel, is our exchange student to Sciencia University" nagpause muna si Mrs. Natividad "Mr. Hase you may now come in" pagpapatuloy ni mam at saka tumingin sa main door ng room namin.
"Good morning mam." Sabay lingun kay mam at saka tumingin sa amin.
Ah sya pala yung exchange student na nakit--- WHAT THE?? siya, siya, siya ba yung nakita ko sa library?? O TO THE M TO THE GEEEEEEEE. Busog na busog ako ngayon huhuh dahil lahat ng sinabi ko kanina kay margot tungkol sa exchange student ay kinain ko . d_b
Pinagpapawisan na ako ngayon dahil syempre pag nandyan sa harap ang crush mo sino bang hindi kakabahan. Oo crush ko na siya kaya please lang wag niyong ipagkalat.
"Good morning too, Mr. Hase. I am your professor, Mrs. Cynthia Natividad. Kindly introduce yourself to your new temporary classmates." Ani mam
"Good morning once again Mrs. Natividad. Good morning classmates, I am Renz Akiro Hase, 23 years of age from the university of Sciencia. I have to request something....." saad niya.
Nakatunganga lang kami sa kanya dahil sa pangbibitin niya sa sasabihin. Natiklop lang muli ang aming mga bibig ng magsalita siya ulit.
"Please, bare with my attitude and please don't be too friendly cause i might be the one to ruin everything we build."
♥*PLEASE SHARE, VOTE, AND COMMENT*♥
Oh mga dear readers please magparamdam kayo sa akin haha, kumusta naman ang Simula ng storya ko maganda ba??? Feel free to comment and vote. Thank you!!!
BINABASA MO ANG
Begin Again
Teen FictionDespite of his illness, ginagawa pa rin ni Zhaji ang lahat upang mapansin siya nito. Ang tanong magagawa ba niya ang lahat kung may isang babaeng hindi nakakalimutan ng puso at isip ng kanyang minamahal?