KABANATA 4

225 5 2
                                    

A/N: Hindi ako na stressed this past few days kundi I was so exhausted.. GRABEH!

Kaya magUD ako ngayon para naman may ibang magawa sa aking buhay..

HAHAHAHAHA. Tawa lang ng tawa para hindi madaling tumanda!! =D

Salamat nga po pala sa mga bago kong fans dyan at readers! Keep on coming guys..

Vote. Comment. Be Fan. Sa mga may gusto jan!!

____________________________________________________________________

Hindi pa din mawala sa isipan ko yung narinig kong pagtatalo nila ni Mommy at Daddy kagabi. Talaga bang maghihiwalay na sila? May ibang babae si Dad. Bakit nya nagawang magtaksil kay Mom? Hindi na ba niya ito mahal? Ako, hindi na din kaya niya mahal?

"Ano ba yang iniisip mo dyan Jo?" Lumapit sa akin si Yaya Flor. "At parang ang lalim ata? May problema ka ba?"

"Po?" Malaking problema Yaya. Kung alam nyo lang po. Parang sasabog na yung buo kong ulo. Tsk! "Wala naman po." Magsisinungaling pa ako, ayaw ko kasing pag-usapan yun.

 "Ano ba kasing problema mo?" Umupo naman siya sa tabi ko. "Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Oo nga pala. Hala! Nakalimutan ko nalang na nasa harap pala ako ng pagkain.

Paano ko ba sasabihin kay Yaya? Paano ko sisimulan? Nasasaktan kasi ako kapag naiisip ko yun, mas lalo naman siguro kung pag-uusapan pa, diba? >.<

"Jodi, may dinaramdam ka ba?" Dinampi niya yung kamay niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat. Masama ba pakiramdam mo? Iniinom mo naman yung gamot mo sa tamang oras. Bakit ka ba matamlay ngayon?"

Dami namang tanong ni Yaya. Oo may sakit ako, sakit sa puso at breast cancer pero wala akong lagnat. Tsk. Tsaka hindi ko naman iniisip na may sakit ako eh kaya siguro parang wala lang din sa akin. Bigla ko naman narinig na may parang pababa ng hagdanan. Gising na kaya si Mom at Dad? Nagkabati na kaya sila?

"Flor, pakitimpla naman po ako ng kape oh." Si Mommy, umupo sa tapat ko. Parang hindi naman niya ako tinitignan. Baka siguro ayaw niya makita ko na namamaga yung mga mata nya. "Bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo Jodi?" Tanong ni Mommy kahit hindi siya tumitingin sa akin.

"Ah. Wala po Mom." Umiwas ako sa pagtingin kay Mommy. Kahit naman kasi hindi siya nakatingin sa akin nararamdaman niya na tumitingin ako sa kanya. "Si Daddy po?" Tama kaya na tinanong ko siya tungkol kay Dad?

"Umalis na ata." Umalis na? Ang aga naman ata. 6:30am pa lang ah. Dahil ba pinalayas na siya ni Mom kaya maagang umalis si Dad? "Kumain kana dyan Jodi para makainom ka na ng gamot mo."

"Opo." Kumain nalang ako. Ayoko dagdagan ang iisipin ni Mommy. Kawawa naman kasi siya eh. Pero kailangan ko din makausap si Dad. Kailangan niya ipaliwanag sa akin bakit siya nagtaksil kay Mom.

"Eto na po." Lumapit si Yaya Flor dala yung kape na pinatimpla ni Mommy. "Salamat." Kinuha ni Mom at tumayo ito. "Sa terrace na muna ako."

Tumingin lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Lumabas na din naman kasi siya. Umupo si Yaya Flor sa tapat ko. Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kami.

"Alam ko na kung anong iniisip mo kanina." Alam na niya? Paano? "Yung parents mo noh?" Manghuhula ba si Yaya? Bakit niya alam? Wala pa naman akong sinabi ah.

"Ya, kailan nga pala natin pupuntahan ang anak nyo?" Change topic ako. Ayoko kasi talaga pag-usapan yung tungkol kina Mom at Dad eh. Sorry Ya. "Gusto ko na po siyang ma-meet. Hehe."

Tumayo naman si Yaya Flor. Galit ba siya na nagchanged topic ako? 

"May gagawin pa ako, dyan ka muna." Change topic din siya? Bakit parang ayaw niyang pinag-uusapan ang anak niya? Eh noon, halos araw-araw binabanggit niya ito sa akin. Kung gaano niya ito ka miss at gustong makita.

PASSING TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon