Baby, natatandaan mo pa ba?
Natatandaan mo paba nung gabing sinabi mong may mahal ka ng iba?
Sinabi mong may mahal ka ng iba, at iyon ay ako na.
Matapos nyang saktan at iwan ka, pagkatapos nyang makipaghiwalay ka nalang bigla.
Sinabi mo sakin na ang mahal mo ay ako na
Alam mo ba kung gaano ako naging masaya?
Naging masaya at umasa,
Umasa na sa Simula ng iyon ay ako na,
Ako na ang dahilan ng iyong pag ngiti at pagtawa
Ako na ang dahilan kung bakit sa araw ng pagkain ay di kana nagpapalipas pa
Ako na ang dahilan kung bakit nago-online ka
Ako, ako ang dahilan kung bakit umiiyak at nasasaktan ka
Dahil AKO na yung mahal mo diba?
Ngunit lahat ng iyon ay Mali pala.
Mali pala, dahil AKO lang pala
Ako lang pala ang ngumingiti at sumasaya sa tuwing kausap ka
Ako lang pala ang kumakain tuwing nagcha-chat ka ng "kumain kana ah"
Ako lang pala ang kinikilig at hinahabol ang puso sa tuwing katawagan at kachat ka
Dahil AKO lang, ako lang pala ang nag assume at umasa
Ako lang, dahil ang totoo Siya parin pala
Siya parin para ang dahilan ng iyong pag ngiti at pagtawa
Siya parin pala ang dahilan kung bakit nago-online ka
Siya parin, dahil inaantay mong imessage ka nya
Siya parin kung bakit sa pagkain ay wala kang gana
Siya parin ang dahilan ng iyong pagiging malungkot at madalas na pag iyak
Dahil siya parin talaga
Siya lang talaga, Simula pa
Siya parin ang mahal at minamahal mong talaga
Siya ang palagi mong bukambibig dahil siya
Siya ang patuloy mong Iniisip at patuloy kang umaasa
Umasa at mahal ka pa nya at babalik siya.
Dahil sa puso mo, siya lang talaga
Kaya ngayon, ngayon nerealized ko na
Narealized ko na siya lang talaga ang mahal mo
Siya lang talaga ang nilalaman ng puso at isip mo
Pero baby, wag kang mag alala
Wag kang mag-alala kasi baby tanggap ko naman na.
Mahal kita, mahal mo siya
Kaya baby isang mensahe lang ang gusto kong iwan sayo
Mensahe na sana maintindihan at maramdaman mo
Baby, di kaya ako pinanganak na pusong bato
Para maging manhid at di masaktan sa tuwing siya yung kinikwento mo
Yung ako yung kausap mo
Pero kung gaano siya kahalaga, yun ang bukambibig mo
Baby nasasaktan kaya ako
Pero sa kabila ng lahat ng iyon ikaw parin ang minamahal ko.
Hanggang dito nalang baby
Sana maging masaya ka kahit kanino😫Sana mabasa moto