P A M I L Y A
That was intense! Para akong naubusan ng kapangyarihan. Kapangyarihang maki-pagsalamuha. Halos ikamatay ko 'yung ginawa kong pakiki-pagkuwentuhan sa stranger- err kakilala? kaibigan? saan ba dapat siya i-categorized?
An ordinary human being?
Yung nakilala mo pero hindi siya maka-categorized as a friend. Okay na yung makilala, makisalamuha and the end.
Buti na lang wala na siyang bakas na iiwan para kailanganin ko pang bumalik at makita siya.
Binaba ko muna ang bag ko dahil medyo nahirapan ako sa pagbukas ng gate namin. Dahan-daan ko lang itong binuksan at isinara ng mabuti. Baka magising pa sina Mama at Papa. Ayaw ko naman silang guluhin pa, masyado na akong naging gulo sa kanila sa buong buhay ko.
Pagkapasok ko sa pinto na hindi naman naka-lock, laking gulat ko na nakagising pa si Papa. Halatang pagod pero ang mga mata niya ay nanlilisik.
"Alam mo! Hindi uwi ng matinong babae ang ganiyang oras! Ano ba kasing gusto mo? Puro nalang kasi gusto mo niyan nagpapa pansin!" Sigaw niya na parang may bumukas na naman sa puso ko. Ang sakit.
"Pero 'Pa, wala-" hindi pa man ako natapos, pinutol niya na agad ang explanation ko.
"Ngayon sumasagot ka pa? Ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa may ganang sumagot! 'Wag ka nalang mag-aral kung ganiyan! Magpi-pitong taon na, pero parang wala ka pa ring direksyon! Ang tamad mo! Ikaw talaga ang palamunin dito!" Pumikit na ako. Handa na ako sa sampal niya pero- wala. Walang dumapo.
Hinampas niya ang lamesa sa gilid at nangingilid na ang mga luha ko. Bakit ba kasi ang tamad kong anak? Bakit ang paksyet ko? Bakit kasi ang bilis kong maiyak?
Tumakbo na ako papasok sa kuwarto ko. Nadaanan ko ang panganay kong Ate na kinukusot pa ang mata. Halatang pagod siya sa trabaho- hindi lang para sa sarili niya kundi para rin sa amin. Para mapag-aral na rin ako.
Ang mga luha ay tumulo na. Ang sakit ay mas naramdaman ko pa.
Halos 'di ko alam kung gaano na ako katagal na ganoon ang ayos sa kama dahil sa kaiiyak. Nahimasmasan na ako ng kaunti nang maramdaman kong namamanhid ang katawan ko dahil sa kung paano ako nakapuwesto.
Minsan naiisip ko, bakit pa kasi ako nabuhay? Bakit pa kung kailan maayos na dapat ang mga buhay ng pamilya ko. Si Ate na nakatutulong na sa gastusin sa bahay. Ang pangalawa kong Ate na paborito nila. Marunong siyang magluto, maglinis at kung anu-ano pa. At ako? Ang pinaka walang kuwenta! Ang paksyet ng buhay nila.
Alam ko namang makalilimutan ko na rin naman 'yung nangyayari 'e. Ganoon naman kasi ako, mabilis makalimot. Pero the thing is, nagmamarka na. Hindi ko alam bakit nakalilimutan ko pero nararamdaman ko pa rin. Pilit bumabalik. Pilit bumubukas.
Kung puwede nga lang i-restart ang buhay gagawin ko. To make sure na magiging tama na ang lahat ng gagawin ko pero wala! We are not in the fiction world. Hindi natin kayang palitan ang mga bagay na nangyari na. But we can fix it they said. Sana.
Ang mga litrato na nakita ko. Masayang pamilya. Ang mag-asawang masaya sa buhay ang nakikita ko. Tatlong babae na magkakapatid, close na close sa isa't isa. Nagmamahalang pamilya. This is us! For the sake of the picture and to those who will see it.
Nawalan ako ng ganang ituloy ang buhay ko. Wala ng sumisipa sa akin pa-angat. Nakararamdam na rin ako ng hiya sa kaisa-isang Ate ko na nasasabihan ko ng problema ko. Palamunin na ako.
Kahit gusto kong tulungan sila, hindi ko alam ba't 'di ko magawa. May kung anong humahatak sa akin pababa. At kahit alam ko na kung sino at ano 'yun, 'di ko maalis dahil AKO 'yun.
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
RandomIf two ordinary stories collide. Is there a possibility that it will be an extraordinary one? The author who lives with Her own mess. Her own story that she calls a life. The normal human being who lives with His own havoc. An author. Not a stranger...