Can I Have This Waltz?

175 13 9
                                    


Can I Have This Waltz?

"Galing kayong practice ah. Bat nagpunta pa kayo?" tanong ng kaibigan naming si Lois nang makarating kami ng G-DEZ squad sa isang couch na nirentahan niya.

Pabiro ko namang hinampas ang braso nya pero parang di man lang sya naapektuhan non. Sa halip ay agad syang dumikit sa bestfriend kong si Venice at hinalikan ito sa pisngi.

Nanlaki naman ang mata ko dahil doon. Sila na ba? Bakit di man lang yata nagsasabi itong si Ven? At bakit parang ako lang ang nagulat dahil kinantsawan lang ng G-DEZ and dalawa. May hindi yata ako alam.

"Siraulo! Ayaw mo ba kami dito? Ikaw den. Tara na guys, Ven, alis na tayo! Tinataboy tayo ni Lois, e" pabirong sabi ni Dylansey kay Lois na nagpatawa sa lahat. Maski ako ay natawa. Itong si Dylansey, laging hot.

Nag-upuan na kami sa couch na nirentahan ni Lois. Siya lang naman mag-isa dito sa couch, hinihintay talaga kami ni loko tapos ang galing-galing mangtaboy.

Lupaypay na sumandal ang mga babae sa couch dahil siguro sa pagod. Galing kasi kaming practice para sa susunod na competition. Nalaman kasi namin na sa contest ngayon, kami lang ang all-girls group na sasali. Yung iba kasi puros lalaki o kung hindi naman, co-ed. Kaya mas kaylangan naming galingan. Kailangan ko ring mag-pagaling agad. Ilang araw na rin kasi akong di nakakasali sa practice dahil injured ang paa at ulo ko. Hanggang ngayon nga may benda pa rin ako. At two weeks away nalang ang practice!

"Ano nga palang meron, Lo? Himala yata't nanglibre ka?" tanong ni Samantha sabay lagok sa shotglass na inabot ni Lois sa gawi nila ni Dylansey. Siya lang naman ang kumuha non, kasi sa aming lahat siya lang ang umiinom. Nandito lang naman kami madalas sa bar para pumarty. Pampalimot ng problema.

Nakita ko naman ang biglang pag-seryoso ng mukha ni Lois. May problema ba sya? Mukhang napansin rin iyon ng iba at nagtikhiman sila. Anong meron?

"Girls kasi, n-napansin kong s-simula nung nangyari two months ago, h-hindi na kayo masyadong nakakapagsaya e. P-puro nalang competition ang inaalala ninyo. H-hindi na... hindi na tulad ng dati," seryosong paliwanag ni Lois na nagpatahimik sa lahat. Parang may dumaan na anghel sa pagitan namin.

Tanging ang ingay lang sa dance floor ang naririnig at ingay ng mga nasa kalapit namin na table. Habang ako ay nabalot na rin sa pagtataka. Anong nangyari two months ago? Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako, may hindi ako nalalaman na alam nilang lahat.

Gusto ka pa sanang malaman sa pamamagitan ng pagtatanong pero bigla nalamang may tumawag kay Lois mula sa likuran namin. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagtaasan rin ang mga balahibo ko sa braso at pisngi nang mag-tagpo ang mga mata naming dalawa. Kasama sya ng mga kaibigan nya... katulad ng dati, katulad nung una kaming nagkita. Ganon pa rin ang mukha nya, suot nya pa rin ang malalamig nyang tingin na nakakapagpabulag sa lahat. At ang damit nya. Napahinto ako. Coincidence lang ba, o iyan din ang t-shirt na suot nya nung una ko syang nakita dito sa bar.

Napa-ikot ang paningin ko. Mula kila Lois papunta sa G-DEZ Squad. Grabe namang coincidence to, ganitong-ganito yun! Ganito kami unang nagkita. Sa mismong pwesto ko. Ang pagkakaiba lang ay ang mga damit ng mga kaibigan ko, ni Lois at ng mga barkadang kasama nya.

Muling bumalik ang tingin ko sakanya. Wala namang nagbago halos sakanya. May resting-bad face kasi itong boyfriend ko, e. Napaka-lamig nyang tumingin pero may mali, may mali ngayon sa mga mata nya. Blangko ang mga ito ngayon. Wala akong mabasa sa mga mata nya na kahit ano. Anong nangyari? May nangyari ba? Bakit hindi sya nag-text sa akin? At teka... nasaan ang cellphone ko?

Can I Have This Walts?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon