(S) Chapter Nineteen

839 20 1
                                    

Chapter Nineteen: Training

Kaleah Witson

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kaya ako nalang ang naghanda ng almusal namin. Chineck ko si Brynn kung nandito ba siya sa kwarto niya.

*TOK TOK TOK*

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Luckily ay hindi ito nakalock. Okay lang naman sakanya na pumapasok kami dito sa kwarto niya, wag nga lang manggugulo. Nakita kong maayos ang higaan niya, chineck ko ang Restroom niya baka nandon siya ngunit walang bakas ng Kiersten Brynn ang nandidito.

Mukhang hindi siya umuwi. Saan nanaman kaya napunta yon. Agad kong napansin ang papel na napapatungan ng litrato naming walo na naka frame sa study table niya. Kinuha ko ito agad at binasa ang nakasulat.

Black Shadow Gang

May mahalaga lang akong pupuntahan at aayusin. Kung nababasa mo man 'to ngayon Kaleah. Gusto ko ikaw muna ang mamuno sa tatlo. Bago magpasukan makakauwi nako. Gusto kong ikaw muna ang mag training sakanila Kaleah. Pagbalik na pagbalik ko magkakaron tayo ng meeting. Be safe! Iloveyou all.

~Kiersten Brynn

Ng mabasa ko ito ay agad akong napangiti sa bandang huli na sinabi niya. Mahal na mahal talaga kami ng bestfriend namin. Tatawag yon mamaya at itatanong kung nabasa ko na ba. Ganyan siya, kapag importante dinadaan niya sa sulat hindi sa text o tawag.

Bumaba nako at naghain na ng mga plato para pagbaba ng dalawa ay kakain nalang kami. Gising naman na yon siguro. "GOODMORNING." Speaking of. Masayang bati ni Whitney at tinaas pa ang dalawang kamay. Good mood eh?


"Where's Addison? Lets eat." Sabi ko kay whitney. At saktong pag upo naman ni Whitney ay ang pagbaba ni Addy na may dalang nakakalokong ngiti. "Whats with the smile? Come on, kumain na tayo. Tagal mo bumaba." Sabi ko ng natatawa.


Napahinto naman sila sa pag sandok ng kanin ng mapansin nilang may kulang. "Nasan si Brynn?" Tanong ni Whitney kaya napalingon silang dalawa sakin. "Umalis. Galing ako sa kwarto niya may sulat siyang iniwan." Dahan dahan naman silang napatango at pinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain.



"Kailan tayo mageenroll? 2 weeks nalang pasukan na. Sabay sabay ba tayo nila Hillary?" Oum nga pala hindi pa kami enrolled. Well, maaga pa naman kaya hindi naman siguro kami magagahol niyan.

"Psh. Wag niyo muna isipin yan! Ang isipin niyo yung training niyo ngayong maghapon." Nakangisi kong sabi sa kanila. Kaya naman si Addison ay nabuga niya ang iniinom niyang kape sa gilid niya. "What the hell!? Wala naman si Brynn ah." Sabi niya. Kaya natawa naman ako.

"Hahahaaha. Ano pang silbe ko? Remember right hand of the leader is still here. And also Brynn assign me para itraining kayo." Sabi ko ng natatawa. Napanguso naman si Whitney dahil sa sinabi ko hahaha. Mga tamad talaga to.



"Dahil wala siya, Ang gagawin natin mamaya ay ang blind fold. Okay? Kaya bilisan niyo ng kumain dyan at pagkapahinga niyo magsstart na tayo." Sabi ko ng matapos akong kumain ay umakyat nako sa taas para maligo at magsuot ng pang training.

Hindi nagtagal ay natapos nako sa pagaayos. Papunta nakong training room, at doon nalang sila aantayin. Pagka-akyat ko doon ay wala pa sila. Niready ko nalang ang mga gagamitin namin mamaya.



Kumuha ako ng tatlong panyo atsaka sleeping mask. Yung nilalagay sa mata pag natutulog, pero hindi naman sila matutulog. Inayos ko na din ang mga weapons na gagamitin.






Maya maya ay dumating na si Whitney. Si Addison ay wala pa, Kahit kailan talaga napaka bagal kumilos nun. "5 minutes lang daw." Sabi ni Whitney at mukhang nagets ko naman ito.




Isinet ko din sa wrist watch ko ang oras. Oorasan ko sila, hindi pwedeng hindi dahil baka magreklamo 'tong mga 'to. "Saktong nine o'clock start na tayo." Tumango nalang si Whitney dahil nagwawarm up siya.



"Game na. Simulan na natin ng matapos na." Pagbungad ni Addison. Napailing nalang ako sa pagmamadali nito. Maasar nga muna.

"Teka! Bakit kaba nagmamadali? Wag mong sabihin na may date nanaman kayo ni Reighn ha?" Pilyong asar ko sa kanya. Natawa naman si Whitney dahil sa itsura ni Addy.

"The hell! Ofcourse walaa. Gusto ko na kasing humilata nalang. Tsk! Iba naman iniisip mo." Sabi nito at tinarayan ako.

"So bakit ka daw niya sinusundan?" Pag-iiba ko ng topic. Sabi niya kasi itatanong daw niya kahapon. "Wala. Ganda ko daw kasi kaya niya ko sinusundan." Bored niyang sabi. Tae! I dont believe this girl.



"Well, bahala ka. Magstart na tayo, Unahin muna natin kay Whitney. Pero ikaw Addy, Maglagay kana din." Sabi ko habang tinuturo sila.

"Kailangan dito ay ang pakiramdam niyo. Na kahit sa dilim ay mararamdaman niyo kung may umaatake ba o wala. Kailangan niyo lang iwasan ang mga gagawin ko. And take note, FOCUS. Pakiramdaman niyo kung nasan ako. Yung dating kayo na malakas ang pakiramdam." Seryoso at may diin kong pahayag sa kanila.



Kumuha ako ng dagger at pumwesto sa may pintuan. Bale nasa gitna si Pearl, Si Wren naman ay nasa isang tabi at mukhang natutulog yata. Kalmado lang si Whitney na nakatayo sa gitna at tila hindi pinapahalatang nakikiramdam siya. Nagbato ako ng dalawang dagger, ngunit naiwasan niya din ito. "And now. Susugudin mo ako Pearl. You'll going to attact me. Feel my presence dear." Sabi ko at lumipat ng pwesto malapit sa kanya.

Kaliwa't kanan ang pag lingon ng kanyang ulo at tila hinahanap ang presensya ko. "Kailangan maunahan mo kong sumugod sayo, If you dont want to get any wounds." Mapangasar kong sabi. Meron naman siyang weapons, ngunit hindi ko alam kung saan niya 'to banda nilagay.





"I'm your enemy. Not your friend." Huling kong sabi bago siya sugudin. Na-alerto naman agad siya at iniwasan ang mga suntok. Sinipa niya ako sa binti gamit ang kanang paa niya. Tama lang ang sakit, pero mukhang magkakapasa ako nito.

*****

Aimon Vhille on multimedia👆Readers, pasensya na kung hindi ko pa nailagay yung mga hindi pa naiintroduce na ibang member ng Aspire Gang. Hahanapan ko ng timing. Hehe, kung saan pwede isingit. Mianhae~

I hope you enjoy it! Thankyou for reading. Please dont forget to click vote down there👇 Kamsa. Support me 'til end. Labyah!

Long Lost Mafia GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon