Pauwi na ako galing sa friend ko. New year na kasi kinabukasan kaya kailangan ko ng umuwi sa'min. Nagsleep over kasi ako sa house nila. Miss na daw niya kasi ako kaya ayun, kahit na isang araw ay makapagbonding man lang kami. 1 year na kasi kaming hindi nagkikita.
Habang papunta kami sa station ng Monumento sa LRT ay niyaya ko na muna siyang makapagikot-ikot dahil pauwi narin naman ako. Baka kasi kung hindi kami makapagbonding kahit na ilang minuto, ay baka after 1 year na naman ulit kaming hindi magkikita.
Nasa Monumento kami that time. Victory Mall to be exact. Hinatid ako ng friend ko papunta sa station. Ilang minuto rin kaming nagpaikot-ikot sa mall hanggang sa mag po-4pm na kaya't napagdesisyunan na namin pareho na umalis na ako. Hapon na kasi baka ay gabihin pa daw ako sa byahe.
Nasa entrance na kami ng mall nang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa isang lalaking naglalakad habang gingulo ang buhok niya. Para bang hindi siya mapakali sa kung ano ang ayos ng buhok niya. Matangkad, maputi, gwapo, brown hair, mukhang korean. Sa unang tingin nga ay akala ko siya si Jungkook ng BTS! No joke guys! Hindi ako nagpapantsya! Hawig niya talaga si Jk. Swear! Yung height, yung puti, yung gupit pati ang kulay ng buhok kuhang kuha. He's wearing a chekered polong nakarolled hanggang siko niya. Mixed with dark blue and black ang combination. Ang pang ibaba naman niya ay nakablack na tokong together with his walking shoes. Naka back pack rin siya na itim. Tandang tanda ko yan!
Literal na napahinto ako nang dumaan sa'min yung lalaki. Tila nagmamadali siya dahil ang bilis ng lakad niya. Hindi parin siya natigil sa pagshake ng ulo niya dahil sa buhok niya. Maganda naman ang buhok niya, bagsak na bagsak nga ito eh. Pero maging ang pagaayos ng buhok niya ay napaka gwapo para sa'kin.
Out of nowhere ay nagpaalam na ako sa kaibigan ko para makaalis na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko ang daan ng lalaking nasa unahan ko ngayon.
Iniisip ko non na kung paano kung iba pala ang pupuntahan niya? Susundan ko parin kaya siya?
Parang may isio ang mga paa ko dahil patuloy parin ako sa pagsunod sa kanya.
May dalawa siyang dalaga at isang bakla na muntikan na niyang makabangga dahil sa pagmamadali. Bahagya siyang yumuko para humingi ng tawad. Base doon sa naging reaksyon niya ay napagalaman kong hindi siya Pilipino. Maaaring korean siya or somewhere in Asia na kapag humihingi ng tawag ay yumuyuko. Nakita ko kung paanong kiligin ang mga babae pati yung bakla sa lalaking gwapo. Sa mga books and mga palabas sa tv ko lang nakikita ang ganong klase ng reaksyon kapag nakakakita ng gwapo. Hindi ko inisip kailanman ay maaari pala iyong mangyari sa totoong buhay. I just find it weird. Impit na kilig kasi ang nangyari sakanilang tatlo. Parang gusto ko ngang isigaw sa kanila na
Yah!! Akin na yan!
Pero syempre hindi ko iyon sinabi sa halip ay nagpatuloy lang ako sa paghabol sa kanya. Halos madapa ako dahil sa bilis ng lakad niya. Siksikan pa naman that time sa Monumento dahil matao.
Pero super duper thank you ako kay Lord nang nakita ko kung saan patungo ang lalaking sinusundan ko.
SA LRT DIN SIYA MEN! PAREHO KAMI OH MY GOSH! DESTINY BA ITOOOO!?
Nagkaroon ako ng kaonting pag-asa na makasama siya ng mas matagal pa dahil iisa lang ang pupuntahan namin.
Nakita ko siyang pumila na sa Entrance ng LRT kaya't nagmadali ako para makahabol. May scanner ng mga bags ang LRT kaya kinakabahan ako na baka hindi ko siya maabutan. Nasa loob na kasi siya at hinihintay na lang niya ang bag niya na maibalik sa kanya. Samantalang ako ay nakapila pa habang hinihintay ang turn ko. Pinagpapawisan na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nang makita kong paakyat na siya ng hagdan ay no choice kong ibinato ang bag ko sa may scanner para lang mauna na ko. Shit. Mabuti nalang at hindi napansin ng nasa unahan ko ang ginawa ko dahil nagke-kwentuhan sila ng kasama niya. Sorry po!! Nagexcuse ako kunwari tapos ay dumaan na sa scanner. Agad kong kinuha ang bag ko at dali-daling hinabol ang lalaki. Pagkaakyat ko ay inaasahan kong sabay kaming pipila para bumili ng card peo sa sobrang malas ng life ko ay nanlumo ako nang makita na may BEEP CARD siya! Kaya tuloy madali siyang nakapasok sa entrance. Tangina.
Wala pa ang tren kaya't pinush ko talagang magpray ng sobra sobra na sana ay makasabay ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit ako naiiyak nung time na ito. Eh ngayon ko lang naman siya nakita. Hindi ko nga siya kilala eh. Kahit ang pangalan niya ay hindi ko alam. Malandi na ba ako non?
Halos manlumo ako ng makita ko ang tren na dumating na. Nagmamadali kong sinabi sa cashier kung saan ako. Pagkasabi ko sa cashier ng destination ko ay parang nilipad ko ang entrance papunta sa loob ng tren pagkakuha ko ng card ko.
Nakaupo ako sa pinakagilid malapit sa pinto. Palinga-linga ako dahil hinahanap ko kung nasaan yung kaninang lalaking sinusundan ko. Gusto kong maiyak dahil feeling ko ay sa kabilang pintuan siya pumasok at maling pinto ang napasukan ko.
Pero laking gulat ko nang biglang may lalaking nasa unahan ko ang nakahawak sa pole na nasa gilid ko. Napatingala ako sa kanya.
Shet! Siya yung lalaking sinusundan ko.
Tumingin siya sa'kin ng deretso pero nag iwas din. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ito naramdaman. Hindi pa ako naging ganito ka tense at ka pressure. Puta. Mamamatay na ata ako. Kahit kasi sa nanay kong galit na ay hindi ko ito naramdaman.
Sa tingin ko ay ay mga nasa 19-20 years old na siya. Hindi ko sure! Basta ganon ang tingin ko sa edad niya. Hawig niya talaga si jungkook friend! Promise. Laki ng similarities!!! Lalo na sa ilong sobrang tangos kasi.
Napayuko ako dahil kilig. Tangina ngayon lang talaga ako kinilig ng ganito promise. Nakakakita naman ako ng mga gwapo kung saan pero first time in my life na sundan ang isang lalaki for no reason!
Tumagal ang byahe. Nanatili akong nakayuko habang siya ay nakatayo sa harapan ko habang nakahawak sa pole na nasa gilid ko.
Gusto ko siyang titigan at tignan pero pota! Hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siyang tignan. Gusto ko pero ayaw at the same time. Ewan ko. Baliw na ata ako.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay parang nawalan ako ng gana sa buhay ko nang makita siyang naglalakad palabas ng pinto.
Bambang Station
Napalingon ako sa nakatalikod niyang katawan na naglalakad palayo sa'kin. Palabas na siya ng pinto habang ako ay deretso lang na nakatingin sa kanya. Umaasa akong lilingunin niya ako pabalik pero hindi. Sabagay sino nga ba ako para lingunin? I am just a random girl na ngayon niya lang nakita and worst, hindi naman niya kilala. So bakit ako aasa na lilingunin niya ako? Assuming me.
Hanggang sa unti unti nang sumarado ang pintuan ng tren at umandar. Balak ko sanang doon nalang din bumaba sa station na iyon pero hindi kasi yun ang card ko. EDSA STATION ako. Kung bibili ako ng panibagong ticket, masho-short ako! Hindi naman ako mayaman at sakto lang ang pera kong pamasahe. Tss.
Ang sakit lang isipin na sa kanya ako unang nakaramdam ng ganito. Ni-hindi nga ako naniniwala sa Love at first sight na yan eh! Pero puta nung makita ko siya naniniwala na ako!! Mahirap paniwalaan pero totoo pala.
Ang pagtalikod niya sa'kin feeling ko ay katapusan ko na rin. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay nalulumo ako. Nagtataka nga ang mga pinsan at kapatid ko sa'kin nung time na yun dahil ang tahimik ko. Gusto ko talagang maiyak. Di ko alam kung bakit. Bakit ang OA OA ko naman.
Seryoso pero naiyak talaga ako pagkagabi noon. I can't stop myself. Sobrang affected ako sa nangyari. Hindi ko alam ano ba talaga. Hindi siya nawala sa isip ko. Actually hanggang ngayon.
Sinubukan ko siyang hanapin sa internet. Kahit nga sa pages na nagfi-feature ng mga pogi like Ideal boy, Pinoy Bae etc... ay hinahanap ko siya. Nagbabakasakaling baka ay nandon siya kahit ang pangalan niya lang. Minsan din ay may madadaanan akong kahawig niya i-stalk ko na agad pero ending FAIL. Hindi siya yun. Alam ko ang itsura niya dahil nakita ko siya ng harapan. Nakakalungkot pero unti unti ko nang natatanggap. Na nagtagpo lang kami pero hindi itinadhana.
Basta ang maihihiling ko lang, kung sakali mang hindi talaga siya para sa'kin, ay sana magkita manlang kami. Umaasa ako. Hindi man sa ngayon pero sana in the near future.
He will always be My LRT Boy...
