"Flight EY 423, please proceed to gate number 5. Thank you." I'm just browsing my mobile phone when I heard the same usual announcement before boarding.
"Huy, halika na. Baka mahuli pa tayo sa flight." Always. Mom, laging nagmamadali. Hello, ako nagtulak ng bagahe natin I deserve a few minutes rest naman.
My phone vibrated. I thought it was River. Sa sobrang taas ng assumption ko, nabalewala lang lahat. Hindi pala si River yun, parang binagsakan ako ng langit pabaon sa impyerno.
Stop crushing over your bestfriend kasi. Kilala mo naman ang gusto niya, kahit na di ako pabor sa babaeng gusto niya. All I need to do is support him, 99.9%.
"Send mo naman sa akin 'yan." Akala ko naman kung anong kailangan ng lalaking ito. August. Video lang pala ng sayaw nila ni Kendall.
"Cutie pie kayong dalawa." I don't know but he kept on telling me what happened last night sa Farewell Party. A part of me, will definitely miss them. The Pioneer Batch. "Ako din naman aalis na din." Dagdag ko pa.
"Lahat naman tayo magkakahiwa-hiwalay." Di niya siguro naintindihan ang point ko. Hindi ko alam paano ba kami naging close neto? O sadyang ganyan talaga.
"What I mean is, lilipad na ako mamaya." Which is true, for vacation lang naman ang punta namin doon. Para kahit papaano makasama namin si Dad.
"Aano ka? Mag-Abu Dhabi ka? Ingat ka don, pasalubong! Huhu mamimiss kita, see you sa debut mo!" Ang naiisip ko ngayon napaka-abnormal ng lalaking ito. Tropa, oo parang ganon na nga kami. Isang beses lang naman kami nagkasama kahapon lang sa debut ng kaibigan ko. Wala ng iba. Or maybe I'm just giving some malice on something.
"Yes, mamimiss din kita." I told him, saka tumingin sa bintana. Puro palaisipan ang mga pwedeng mangyari sa college. I'm ready to take a few steps beyond reaching my goal.
Itinulog ko nalang ang walong oras na byahe, kaya pagkagising ko ay jetlag naman ang katapat ko. Gusto ko man ipikit ang mata ko di ko magawa dahil ilang minuto nalang ay mag-lalanding na kami.
"Please fasten your seatbelts." Ngumisi naman sa akin ang kapatid ko, masaya nanaman si Ayla.
I remembered something unusual. This is my comfort zone. Sa tuwing gusto kong magpakalayo layo muna, sa tuwing nararamdaman kong tinatalikuran ako ng mundo, sa tuwing nasasaktan ako. Dito lagi ang punta ko. I feel safe, that it's okay to be just who you are.
Niyakap ko ng mahigpit si Daddy, "Oh! I missed you." He was my strength. Kaya I was not doubting to turn back on love, because with him I'm reassured that one day it will come. Sa tamang oras, sa tamang panahon at ang tamang lalaki.
"Take care, Averi." August replied on my latest instagram story. That made me smile for a second. Having someone who wish you well, in times like this. Hah. I barely need that.
"Thank you, mag-iingat talaga ako doon." Hindi naman pala masamang makaclose to, akala ko puro kagaguhan yung nalalaman nito. Pero, he's ready to hear everything you want to say.
"Huhu. Basta mag-iingat ka talaga doon." May level up ba pag lagi niya kong sinasabihan na mag-ingat ako. Tell me, paano ko ba naging kaibigan to.
"Naaning ka kamo!" Professional na ko sa pagtataray sakanya. Buti nga to, di tampuhin e.
"Pinag-iingat na nga siya, nagagalit pa." Binabawi ko na yung sinasabi ko. Wala bang lalaking carefree jan? Yung di na kailangan pang suyuin.
Kumakain ako ng chips while watching tv, were still talking. Talking about how hopeless we are when it comes to love. I admit, isang beses ko na siyang tinanggihan noon. Pero, iba ngayon. Noon kasi tinatarayan ko siya, akala ko kasi he was hitting on me dahil inaya niya ko manuod ng sine. Paano kaya nagbago ang hangin?