Minsan, na lalate si Sandra ng uwi galing sa trabaho niya.
Sa condominium sa makati siya nakatira kasama ang kanyang nanay.
Sa 6th floor mo makikita ang condo unit nila. Kaya gumagamit siya ng elevator papunta o paakyat ng kanilang unit. Ngunit, kapag ginagamit nya ang elevator paakyat, lagi itong tumitigil o humihinto sa 4th floor.
Nakwento na niya ito sa nanay niya.
Dahil may pagka-matatakutin si Sandra, nagpasundo siya sa nanay niya sa gate ng condo isang gabi. Alas dos na siya nakauwi. Pagbaba nya ng jeep, nandun na ang nanay nya sa gate. Nag-aantay.
Sinalubong nya ito ng ngiti.
"Hi Ma."
Tahimik ang nanay nya, parang malalim ang iniisip. Kaya binaliwala nalang ito ni Sandra at inaya nalang ang kanyang nanay na umakyat na.
Nang sumakay na sila sa elevator, biglang tumigil na naman ito sa 4th floor. Sabay harap sa kanyang ina at sabay sabi ng...
"Sabi ko sayo ma. Tumitigil ito ng kusa dito sa 4th floor. Ma! natatakot ako."
Walang imik ang nanay niya.
"Ma? "
Humarap ang nanay niya sa kanya, sabay ngisi.
At tinanong siya nito:
"KAMUKHA KO BA TALAGA ANG NANAY MO? "
Biglang nahimatay si Sandra.
Kinabukasan sa ospital, humingi ng pasensya ang nanay ni Sandra sa kanya.
"Nak, sorry ha,. Hindi kita nasundo kagabi. Nakalimutan ko e. Ano ba nangyari sayo? "
~WAKAS~
Anong gagawin mo kung sa iyo nangyare ito???