NAGULAT ako ng nakita kong si Gale ang umupo sa tabi ko.
Napalingon din siya sa akin at parang gulat din.
"Bat ka pa andito? Gabi na ah? "tanong ko sa kanya.
"Ako nga dapat ang nagtatanong sayo niyan eh. Bakit nandito ka eh gabi na nga mamaya may mangyari pang masama sayo. "pagaalala niya.
"Nagpapahangin lang ako tsaka nagpaalam din ako kay nana. "sabi ko sa kanya. Oo kilala niya si nana, matagal na kasi kaming magkakaibigan kaya minsan pumupunta sila sa bahay.
"Tapos na ba yung pag hahanda mo sa birthday party ni Caria? Di ba sa Sabado na yun? Wednesday na ngayun eh."sabi ko sa kanya.
"Ay buti pinaalala mo Jia. Isasama pala kita sa birthday party ni Caria. "sabi niya sakin kaya nanlaki agad ang mata ko.
"ANO?!? "sagaw ko na napatingin tuloy ang mga tao sa amin.
"Shhh! Lower your voice! "pabulong na sigaw sa akin ni Gale. Nagpeace lang ako.
"Bakit mo ako isasama sa birthday ni Caria? Ikaw lang naman niyaya ah? "reklamo ko.
"Gusto kita isama eh. Atsaka siya na nag insist na isama kita, para din naman meron akong kakilala duon. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta. Baka umasa yun. " sabi niya.
"Bakit hindi mo ba kakilala si Caria? "tanong ko.
"Bes naman eh! Wag mo akong pilosopohin! Siyempre yung matagal ko ng kakilala. Bakit? Matagal ko na ba siyang kaibigan? "tanong niya din.
"Eh kilala mo parin! Bahala ka kung gusto mo ikaw nalang pumunta sa party mag isa mo. "tampo ko.
"Libre kita wattpad bo--"
"Anong oras ang party? "tanong ko agad. Nagulat siya. Ng makabawi ay tumawa.
"Sabi ko na iyon lang kahinaan mo eh." sabi niya sabay tawa. Akmang babatukan ko siya ng umiwas agad ito.
"5:00 pm. Masquerade party."sabi niya.
"Ok" sabi ko at tumakbo paalis.
Hingal na hingal akong bumalik ng bahay.
Buti nalang at nandun si Nana Linda.
"Ikaw bata ka bakit pawis na pawis ka? " nagaalalang tanong ni Nana.
"Tu-tumakbo po ako p-papunta d-dito"hingal na hingal kong sabi.
"Hay naku ikaw talagang bata ka! Umakyat kana duon sa kwarto mo at magpalit ng damit! " sermon niya.
"Opo" sabi ko at pumasok na ng bahay para pumunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay naghalf bath lang ako at nagbihis ay dumiretso agad ako sa kama ko.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Pagkagising ko ay bumungad sakin si haring araw na nagpagising sakin.Tiningnan ko ang oras at nakita kong 6:35 palang naman at meron pa akong isa't kalahating oras para maghanda.
Agad ko namang ginawa ang morning routine ko at kinuha ang bag ko kung saan ito nakalagay at bumaba na.
Tiningnan ko ulit ang oras at 7:00 na kaya nagpahanda muna ako kay Nana Linda ng almusal.
Linutuan lang ako ni Nana Linda ng Bacon and eggs w/ rice. Pinasalamatan ko naman siya. Pagkatapos kong kumain ng almusal ay nagpaalam na ako kay Nana Linda at lumabas na ng bahay.
(At the School)
Nang makababa na ako ng jeep ay dumiretso na agad ako sa loob ng school.Nasa may gate palang ako ng sumalubong na sa akin ang mag kambal.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With My Gay Bestfriend (On Going)
Teen FictionMay mga bagay tayo na hindi natin inaasahan. at isa nadun ang mainlove. Sa una wala lang para sakin. Pero nung tumagal ay unting unti na itong lumalalim. Hanggang sa nahulog na ako ng tuluyan pero di inaasahan. At nangyari ito sa maling panahon...