2

32 6 2
                                    


MASYADONG madilim. Para bang nilamon ng kadilimang ito ang lahat ng bagay, ang mga liwanag sa awang ng pintuan ang siyang nagbigay sa'kin ng direksyon.

Punong-puno ng iba't ibang pintuan ang lugar na ito. Bawat isa rito ay hindi nakasara, may liwanag na kumakawala sa awang ng mga pintong ito.

Nasaan ako? Patay na ba ako?

Marahan kong hinimas ang aking mga braso, pinakiramdaman kung ito'y naglalabas pa ng init o hindi na?

Nakakatuwang isipin na kapag pumanaw na ang isang tao aasahan mong malamig ang bawat parte ng kanilang katawan. Ngunit bakit ako, hindi pa ako patay pero para bang may mga yelong nakayapos sa aking puso?

Iginala ko ang aking mga mata. Mga ilang minuto ay napahinto ako, napukaw ng isang pinto ang aking atensiyon.

Kilala ko ang pintuan na 'to. Ang seradura nitong hugis mansanas at ang nakaburdang mga kabayong nagtatakbuhan sa harapan ng pinto.

"Kay Mama."

Dahan-dahan kong ikinilos ang aking mga paa. Naramdaman ko ang dampi ng sementadong sahig.

Doon ko napagtantong walang saplot ang aking mga paa. Palapit ako nang palapit sa pintuan nang mapangiwi ako sa sakit.

Sobrang hapdi ng talampakan ko. Kitang-kita ko ang masaganang dugong lumabas dito.

Nang tingnan kong mabuti kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nasugatan ay doon lumakas ang kabog ng aking puso.

Isang parihabang bagay, may talim ito sa bawat duluhan nito---blade.

Kumpol ang blade na iyon at ng ng iyon ay nakahilera sa kwartong iyon.

Napahawak ako sa aking ulo nang makarinig ako nang sunod-sunod na palahaw. Paulit-ulit iyon na animo'y sirang plaka.

"Mama? Mama?!" Hindi ko alam pero nakaramdam na ako ng takot. Agad akong tumakbo patungo ro'n kaso hinihila ako ng aking paa palayo.

Mangiyak-ngiyak ako hanggang sa lunurin ako ng tubig na unti-unting nagiging kumunoy.

"Candice!"

Kaagad akong nagising. Nasapo ko ang aking ulo, puno ng pawis at animo'y naligo ako sa hinihigaan ko nang dahil sa basa na nangggaling sa pawis ko.

Bumungas sa akin si Tita. Bakas sa mukha nito ang pagalaala. Marahan niyang hinagod ang likuran ko.

May kung anong kataga siyang sinasambit, hindi ko man masyadong maintindihan ay nagtagumpay itong pagaanin ang loob ko.

"Candice, kahapon noong niyakap ka ng Papa mo ikaw raw ay malay kaya't dinala ka niya sa kwarto---"

Yumuko ako dahil nagbadya na namang tumulo ang aking mga luha. Ang hirap pigilan. Ayaw nitong tumigil.

Kapag pinagbabawalan mo itong kumawala ay lalong bumabaon.

"Ayos ka lang, Candice?" tanong Tita ko.

Lahat ng tao sa mundong ito nabubuhay sa teoryang ito, nais nilang malaman ang nararamdaman mo sa pamamagitan ng pagtanong kung 'okay ka lang' pero pagkatapos nu'n ay wala naman silang gagawing aksyon.

Tumango na lamang ako. Kahit kapalit nu'n ay sakit at hinagpis. Napadako ang aking mga mata sa orasan sa pader sa gilid ng aking kwarto.

Alas dose nap ala ng tanghali. Hindi na ako nagabalang alamin kung saan ang aking Papa.

Bakit ko ba siya kailangang banggitin? Bakit mo pa siya inaalala, Candice?

Nagpaalam ako sa aking Tita at sinabihan niya akong hintayin ko na lang siya't sumabay ngunit tinanggihan ko 'yon.

IN MY HEADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon