Pangarap lang kita..

25 2 0
                                    

Tall.. Hot.. Mayaman.. Astig.. Handsome.. Campus Heartrob.. Basketball star.. All in one!!!!

Yan lang naman ang pangarap ni Hannah na maging boyfriend nya kaya kahit madami ang nagkakagusto sa kanya ay hindi nya pinapansin dahil kailangan ay lahat ng criteria ay meron yung lalaki.

"Sino ba namang papasa sa standards mo Hannah?" sabi ni Kimmy sabay batok sa kaibigan nya.

"Aray!! Gaga ka talaga. Syempre dapat yung mala fairytale ang lovestory ko no. Ano pa't naging prinsesa ako tapos sa kung kanino lang ako mapupunta?" habang nakatingin sa malayo na parang nagde-daydream

"HELLO!!! EARTH TO HANNAH!!!! Prinsesa ka lang sa bahay nyo.. wag ka masyadong mangarap. OA ka managinip!! gumising ka naman." sabi ni Kimmy habang parang gusto nang sabunutan si Hannah.

Sino nga ba si Hannah?

Si Hannah Isabel Madrigal ay only child na galing sa isang prominenteng pamilya kaya naman kung umasta ay prinsesa. Kilalang kilala sya sa school dahil sila lang naman ang may ari ng Madrigal University. Simple lang talaga si Hannah pero maarte din talaga pag dating sa mga ayaw nyang bagay. Maganda si Hannah kahit na hindi na siya magayos pa. Si Kimmy lang ang nagiisa nyang kasama palagi dahil childhood friends sila.

"Girl, si Jeffrey De Leon na yun.. Gwapo, Matalino, Mabait.. SYA NA!!!!" habang parang nagde-daydream naman si Kimmy

"Ayan!! edi sana ikaw na lang sumagot sa kanya" sabi ni Hannah sabay hila sa buhok ng kaibigan.

"Kung sa akin lang nanligaw e. Haayy!! ilang lalaki pa ba ang babastedin mo?? Sa dami ng nanligaw sayo simula First year tayo, ni isa walang pumasa sa standard mo" sabi ni Kimmy habang tinitignan ng mabuti ang kaibigan.

"Hmm. Eh anong magagawa ko kung di talaga sila yung Perfect Man na hinahanap ko?" sabi ni Hannah habang feel na feel na hinahawi ang buhok.

"Wow Hannah!! hiyang hiya naman ako sayo.. Natatandaan mo Si Gerald? Ang bait non binusted mo."

"E anong magagawa ko? mabait nga hindi naman gwapo."

"Si Bryan?? Gwapo yon. Mabait. oh e bakit mo binusted?"

"E mukha kayang hikain yung taong yun. Nagpabili nga lang ako sa kanya ng tubig sa cafeteria nung asa gym ako kala mo hihimatayin na sa hingal e."

"Sus!! E si Kyle Lopez?? Yung kapag dumaan sa corridor parang lahat na ata ng babae ay hihimatayin sa sobrang gwapo at macho nun."

"Si Kyle?? hmm. namamakla naman yon e. YUCKKKK!!!!"

"Ikaw lang naman nagsabi non e."

"Hello?? Nakita ko kaya syang may kasamang bakla sa mall"

"Kasama lang e. E si Jobert? yon halos kumpleto na lahat ng hinahanap mo sa lalaki.. bakit hindi mo sinagot?"

"Wala kaya syang dating. Basta alam ko naman kung anong hinahanap ko sa lalaki. At alam ko din kung sino ang lalaki para sa akin" 

"Sino? Yung mayabang na si Paolo Dela Merced ng basketball team??"

"TAMA!!!! Excuse me hindi sya mayabang no. Sadyang may ipagyayabang lang talaga sya. He's handsome, Hot,  Mayaman, Astig, LAHAT NA LAHAT NA!!! SYA NA!!!"

"Playboy, maangas, mayabang, lahat na!!! ewan ko ba sayo Hannah. Ang taas ng standards mo pagdating sa lalaki pero yung lalaking gustong gusto mo yun ata yung pinaka worst sa lahat ng lalaking kilala natin"

"Ewan ko sayo! Basta kapag yan si Paolo Nanligaw sa akin, sasagutin ko agad."

"Hindi yan manliligaw sayo!!!"

"Napaka Nega mo!!"

"Hello!! Magkinakapatid kayo. Tska kapag niligawan ka nya at niloko ka, yari sya sa parents mo at sa parents nya no."

"Basta!! We are meant to be. Ganyan talaga kapag meant to be. Madaming hadlang. Pero love can counquer all."

"HAHAHAHAHA!!! Asa ka na lang Hannah Isabel Hidalgo Madrigal!!!" 

Normal lang ang sagutan nilang magkaibigan tungkol sa mga ganitong bagay lalo na kapag wala silang magawa at kahit ano pang sagutan nilang dalawa ay never pa silang nag away. 

NBSB silang dalawa. Si Hannah dahil sobrang hopeless romantic na sobrang asa sa happily ever after. Si Kimmy naman dahil may pagkaold style ang heart nya pagdating sa pagibig. Good combination talaga silang dalawa kahit na parang aso at pusa sila.

"Next sem ba may PE pa tayo?" biglang tanong ni Hannah

"Oo daw diba?" sagot ni Kimmy habang umiinom ng juice.

"YESS!! Makikita ko lagi si Paolo my knight in shining armor" feel na feel pa ang pagkakasabi.

"HELLOO!!! Halos twice a week ata nandito sa bahay nyo si Paolo no"

"Syempre iba pa rin yung kapag nagprapraktis sya ng basketball no"

"CHE!!!! Next week 2nd Year na tayo... "

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment :)

Sana magustuhan nyo.. 

i'll update every time i can ;)

Feel free to comment your suggestions. ;) thanks!! -littlemsmeow

My imaginary boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon