x EX vs NEXT

67 3 3
                                    

Nagyaya ang barakada kong gumimik, eto na naman ako sasabihan nila na agahan ang dating kase para daw ako laging galing Romblon. Naka RORO pa daw. 

Mga 5pm na.

"Tol san ka na?" text ni Denden

"Nagbibihis na ako tol." reply ko

*Pero nagdodota pa ako.

Pandalas na akong maligo at magbihis.

Isang oras nakalipas.

"Tol kumpleto na kami. Saan ka na?" text naman ni Jessica

"Papunta na tol."

Patapos palang ako magbihis.

7pm na ako nakadating.

Nakabusangot na ang mukha nila. Pero syempre tuloy pa din ang inuman. Sanay na naman sila sakin. 

*Tuloy ang inuman. Habang nagiinom kamin, katext ko si Mark. Siyet kase. Em so kilig. HAHAHAHAHAHA

"tol si Mean, kaibigan ko." bungad ni Jessica

"tol si Anah, kaibigan ko." pinakilala din ni Zen kasama niya

HI, HELLO :)

 "Oh tol dahil late ka, kumanta ka sa stage!" Sigaw ni Zen

"Oo nga Jo!" gatong pa ni Denden

"Maya tol, konting tama pa." sagot ko

Maya maya.

"ENJOY BA TAYO DIYAAAAN???" Sigaw nung babae sa stage

"WooOooOOooooHhhhhHhh!" Sagot ng mga lasing na customer

"Sino ang gustong makijam samin? Pumunta na dito sa stage!"

Sabay sabay sigaw ang barkada ko.

"Jo Jo Jo Jo Jo Jo Jo!"

*Ayun ako, pumunta ng stage. KAPAL DIN FEZ EH! HAHAHAHAHA

"Kanta, kanta. AKAP.

Nagtatanong.....

Nagtataka......

Sabihin sakin....

At kakayanin ko ohhh.....

*Natapos ang kanta at bumalik na akong lamesa. Walang text si Mark. Tamad kasi siya magtext pero K lang. UNDERSTANDING naman ako. HAHAHAHAHAHA De, katext niya sigurado gf niya :3

Maya maya.

Hinila ako ni Denden

"tol nanjan si Romulo."

*Sa mahabang panahon, ngayon na lang ulit siya nagpakita saming barakadahan. Ayun, Bumilis tibok ng puso ko. HAHAHAHAHA

"Ehhhhh? Nasaan?" gulat kong tanong

"Sa lamesa sa taas, may kasamang mga babae." bulong ni Denden

"OUCH!" sigaw ko sabay tawa

"hoy Mean text ka ng text diyan. Makisama ka naman." biro ni Jessica

Tawanan kami kasi nakikisama naman si Mean.

Maya maya'y natanaw ko si Romulo na nagtatawanan kasama ng mga babae. HURTHURT HAHAHAHAHAHA

*Tinext ko nalang si Mark, at ayun nagreply naman. Magkaaway daw sila ng gf niya. Natutuwa ako kay Mark kasi kahit bago pa lang kami magkakilala eh nagtitiwala na siyang magopen sakin ng mga problema niya at ganun din naman ako sa kanya. Cute niyaaaaa :">

Tuloy ang inuman.

Napadaan sa tapat namin si Romulo.

Tinawag siya ni Zen.

"Oy shot ka dito!"

Napalingon siya sa lamesa namin at nagulat.

"Uyy nanjan pala kayo. Kamusta na?" sabay lapit sa lamesa namin

Nakayuko lang ako habang katext si Mark.

Pagkatapos niya uminom tumabi siya sakin at yun ang aking kinagulat.

"Jo kamusta na? Text ka ng text diyan sa bf mo. Tagal natin di nagkita ah."

"Ah eh. Ayos naman. Bf ka diyan." ilang kong sagot

"Sige balik na ako sa lamesa namin. Ingat kayo." kaswal niyang sagot

*Dun ko naisip na wala na talagang maaayos samin ni Romulo. Pero ewan nakakatuwa naman yung pangyayare. Kasi nakita ko naman siyang maayos, di ko man nalaman kung gf niya yung kasama niya. Ayos lang. Basta nakita ko siyang maayos at masaya.

Buhay Ng Matinong Bata (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon