KAIBIGAN

438 8 2
                                    


Alam Kong KAIBIGAN
Mo Lang ako pero bakit
Ang lakas Ng kabog Ng dibdib ko
Tuwing akoy ngingitian mo

Alam Kong itoy Mali pero
Pero Alam Kong Hindi nmn
Pwede dahil Alam Kong
May Mahal kana

Siguro nga na Padala
Lang ako sa emosyon pero
Ano bang magagawa ko
Kung Ikaw Ang tinitibok Ng puso ko

Siguro nga masyado akong ambisyosa kahit Alam kong
Kaibigan Kita at Alam Kong Mali para pangarapin ka

Ngunit Anong magagawa ko
Kung Ikaw ang
Nagpapaligaya sa Araw na
Kulang at sira

Gusto Kong Amin sayo
Pero paano? Paano ko
Sasabihing Mahal Kita
Kung masaya ka sa piling Ng iba

Paano ko sasabihing may
Nararamdaman ako sayo
Kung masaya ka kahit Wala ako

Paano ko sasabihing gusto
Kita,Kung Alam ko na Hindi nmn ako Ang bubuo Ng Araw mo

Paano ko sasabihin sayong
Mahal Kita, kahit Alam ko namang may Mahal ka Ng
Iba

Siguro mas mabuting ako
Nalang Ang nakakaalam,
Na Mahal Kita

Siguro Tama narin Ang pagiilusyon kong mamahalin mo Rin ako, dahil Alam ko
Namang simula't sapul ay
Malabong akoy iyong mahalin

Siguro nga ay dapat ko Ng lumisan sa iyong tabi
Para makalimutan ko Ang
Pagmamahal na dulot ay hapdi

Alam Kong ako Lang nmn Ang nakakaramdam nito dahil
Masaya ka na sa piling Ng taong Mahal mo

Siguro dapat na akong
Magpaalam dahil Alam ko
Nmn na Wala akong Lugar sa puso mo

At Sana sa pagalis ko Sana maging masaya ka sa piling Ng taong Mahal mo

Dahil Alam ko nmn na sya Ang nagpapasaya sayo at
Hindi ako







By: LykaMaeArandia




Thanks for reading.... More poetry to come and support this thank you

Tagalog poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon