Preface

252 7 2
                                    

"Starting today, the two of you will be living under the same roof."

Lihim akong napangiti pagkarinig ko nang mga salitang iyon mula sa matalik na kaibigan ng aking pinakamamahal na ina. Makikita sa mukha ko ang sobra-sobrang kasiyahan sapagkat makukuha ko na ang pinakaaasam-asam kong bagay sa mundo.

Kabaligtaran naman ang mababakas sa mukha ng lalaking kaharap ang kanyang ina. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kanyang itsura. Halatang hindi niya nagustuhan ang naging desisyon ng aming mga magulang.

"What the hell, Mom? Are you fucking kidding me?!" sigaw niya.

"Don't you dare cuss at my mother-in-law, Mr. Valcore," sabat ko na mas lalo pang nagpadagdag sa galit na nararamdam niya.

"Just shut the fuck up, woman! Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya huwag kang sumabat sa usapan nang may usapan!"

"Enough, Denver! Ganyan mo ba tratuhin ang fiancee mo?" inis na ring sigaw ni Tita Levi.

"She is not my fiancee and will never be!" Bahagyang kumirot ang dibdib ko sa narinig ko. "Mom, I have my girlfriend and we're together for almost three years," but I waited for six years, "at siya lang ang babaeng pakakasalan ko. Not any another woman and definitely not this shitty scheming woman!" Pagkatapos sabihin iyon ay umalis siya sa harapan namin.

"Denver!" pigil ni Tita sa anak.

"Ako nalang po ang kakausap sa anak niyo, Tita," wika ko.

"I'm really sorry for his attitude towards you, iha. Ewan ko ba sa batang iyon at grabe ang sama nang ugali pagdating sa'yo."

"It's okay po, Tita, tutal ako naman po ang humiling nito kaya pagtiyatiyagaan ko nalang po ang mapapangasawa ko," biro ko sa kaniya kahit ang sama na nang pakiramdam ng dibdib ko.

Nagpaalam na ako kay Tita Levi at mabilis na tumakbo upang maabutan ang nag-aalburotong si Denver. Hindi pa naman siguro nakakaalis iyon dahil wala pa naman akong naririnig na tunog ng kotse. At tama nga ang hinala ko dahil naabutan ko pa siya sa may entrance ng mansyon nila.

"Good to know that you waited for me, Mr. Valcore," pabiro kong wika ko sa kaniya.

"Stop with the act, woman. Give me my keys or else," banta niya. Of course, hindi siya makaalis dahil hawak ko ang susi ng kotse niya.

"Or else what, Mr. Valcore?" hamon ko sa kaniya, "whether you like it or not, you are tied to me and you cannot run away from me."

"Then I can just call a taxi-,"

"At saan ka pupunta, sa condo mo? Forget about your beloved place, my dear Mr. Valcore. Haven't you heard from your mom? We will be staying in one place. Titira tayong dalawa sa iisang bubong. Kung hindi mo iyon maintindihan ay hindi ko na problema iyon," putol ko sa sana'y sasabihin niya.

"Nababaliw ka na," saad niya sa akin.

"Baliw sa'yo," wika ko na sinabayan ko pa nang nakakaasar na ngiti. Namula naman ang buong mukha niya, pero hindi sa hiya at kilig, kung hindi sa nag-uumapaw na galit niya para sa akin.

"You bitch!"

"And one more thing, since we'll be practically husband and wife, I will be holding your credit cards and also the car keys-," putol ko ulit sa kanya na pinutol rin naman niya.

"Are you fucking out of your mind, you cunning woman? You don't have the authorization to hold a leash around my neck. I am not your damn dog!" halatang nauubusan na nang pasensiyang sigaw niya.

"Hawak na kita ngayon sa leeg, Mr. Valcore," seryoso kong sabi sa kanya, "at hahawakan ko iyan magpakailanman."

Hindi na siya nakapagsalita ulit at tinitigan niya lang ako nang masama. Sa sobrang sama ng tingin niya ay parang pinag-iisipan na niya kung paano ako papatayin para tuluyan na akong mawala sa landas niya. Pero sad to say, he will never get rid of me. Never. Lalo na ngayong opisyal na kaming magsasama bilang "mag-asawa".

Imbes na tuluyang umalis ay padabog siyang pumasok ulit ng mansyon nila at pumanhik sa kanyang kwarto. Malungkot nalang akong napangiti habang nakatingin sa kawalan.

Kahit may konting kirot sa puso ko dahil sa pinapakita niyang ugali sa akin, lamang pa rin ang sayang nararamdaman ko dahil sa wakas, pagkatapos ng paghihintay ko sa loob ng mahigit anim na taon, mapapasaakin na rin ang pinakaaasam-asam kong bagay sa mundo.

Siya.

Ngayon, hindi na siya makakawala pang muli sa akin dahil gaya nga nang sabi ko kanina, hawak ko na siya sa leeg.

At plano kong hawakan ang taling iyon magpakailanman.



So what do you think? Please tell me about your comments on my story.

Desperately Making Him MineWhere stories live. Discover now