Natasha's POV
Isinara ko ang librong hawak ko, bumuntong hininga at isinubsob ang mukha ko sa ibabaw ng libro na nakapatong sa lamesa. Nakakatamad.
I can't believe how uncivilised this place is. Ugh. Really? Flipping through books for this bloody thesis? Why use books when you could've just looked everything up on google? Okay, I'm just being impatient.
Iniangat ko ang ulo ko nang maramdaman ang pagtapik ni Oyang sa pisngi ko, he's sitting in front of me and we're at the school library right now. Nagre-research sya para sa thesis nila dahil sya daw yung group leader. At ako naman, I'm trying. Ang boring naman kasi ng thesis topic namin eh. About history. Hindi kasi ako ang leader ng group namin, well, I insisted to not put me as a group leader. Duhh. But I could've picked a nicer topic.
Walang gana ko syang tiningnan with my eyes half closed. I want some sleep right now.
Akmang isusubsob ko na naman ang mukha ko sa lamesa pero pinigilan nya na ng palad nya yung noo ko.
"Do work." mahinang sabi nya habang ang tingin ay palipat-lipat sa libro at sa sinusulat nya.
Inis at padabog na isinandal ko na lamang ang likod ko sa sandalan ng upuan ko kaya naiwang nakataas ang kamay ni Oyang na kaninang nakahawak sa noo ko. Ibinaba nya na yun at tiningnan ako.
"I can't. Inaantok ako." mahina ko ring sinabi at nanghalumbaba na lang ako sa lamesa,
Tapos ay parang may kung ano syang dinukot sa bulsa nya. Tiningnan ko lang sya habang binubuksan ang lollipop na kinuha nya mula sa bulsa nya. Nung mabuksan nya na ang lollipop ay inilapit nya yun sa may bibig ko kaya naman ini-open ko na lang yung bibig ko. Isinubo sakin ni Oyang yung lollipop at naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko nung mapatingin ako sa mga mata nya, sa mga mata nyang nakatitig sakin.
Dali-dali kong inalis ang tingin ko sa kanya. Omg. I feel like I'm blushing. Tasyang, calm down. Inhale. Exhale.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa book. Nag-pretend na lang ako na nagpi-flip ako through pages and actually doing research. Pero distracted talaga ako, because of Oyang. Oyang naman kasi!
.....
"O, kamusta ang pagre-research nyo?" tanong ni Sarang habang umuupo ako sa damuhan sa tabi nya,
"Ayun, walang napala. Nasan nga pala si Mutya?" napatawa ng konti si Sarang sa sinabi ko,
"Tinutulungan ata si Lino na tapusin yung assignment sa english na essay. Ewan ko nga kung anong nakain nung taong yun at biglang sinipag ulit gumawa ng assignment." sabi ni Sarang, I'm glad he's doing well now. I feel less guilty.
"Ano yung pinagkakaguluhan nila dun?" sabi ko kay Sarang habang nakaturo ako dun sa umpukan ng mga estudyante sa tapat ng office, parang may kung anong nakakapit sa dingding na pinagpe-pyestahan sila,
"Baka nai-release na? Tara, tingnan natin!" excited na sabi ni Sarang at hinila ako patayo,
"Ha? Ano ba kasi yun?" naguguluhang tanong ko,
"Yung mid-year ranking." sabi ni Sarang,
Mid-year ranking?
Nakipagsiksikan kami sa mga estudyante na nasa tapat ng bulletin board. Dali-dali kong hinanap sa listahan ang pangalan ni Oyang. At hindi naman ako nahirapang gawin yun dahil nasa unahan ang pangalan nya. Rank 1 si Oyang!
Umalis ako sa nagsisiksikang mga estudyante at nagtatakabo para hanapin si Oyang.
"Tasyang, san ka pupunta?" tanong ni Sarang pero hindi ko na sya pinansin,

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...