Danreb Olivar's POV
Isang linggo na rin simula ng maplano ko yung supresang pag propose kay Freya. Lahat ng kaibigan, close friends, and family namin ay kinon-tyaba ko na at ininform sa plano ko at pumayag naman sila.
Noong una ay nagdadalawang isip sina Tita at Tito dahil baka raw mauwi nanaman 'to sa wala. Pinaliwanag ko sakanila ang lahat at humiling na pagkatiwalaan ako sa pagkakataong ito, na makasama si Freya, habang nabubuhay pa ako. At um-oo naman sila kaya laking tuwa ko non.
At ng kanina nga ay nagawa ko na yung matagal ko ng pina-plano at nauwi ito sa maganda at sobrang memorable na pangyayari e hindi na ako magkamayaw sa sobrang saya.
Ngayon e nasa balcony kami ng kwarto naming dalawa ni Freya. Nakatingala at pinapanood ang mga bituin na nagliliwanag sa kalangitan, habang magkahawak kamay. This little things is such a memorable thing for me, dahil katabi at hawak ko ang kamay ng pinakamamahal kong tao na hada ko ng makasama sa pagharap sa mga challenges habang buhay pa ako.
Habang magkahawak kamay kami na nakaupo e nakasandal ang ulo niya sa balikat ko ng maramdaman kong biglang nabasa ang sleeve ng suot kong t-shirt. Kaya agad ko siyang chineck kung ano yon.
'Freya? Are you okay? Are you crying?' sunod-sunod kong tanong sakaniya.
Umayos naman siya ng upo at nagpunas ng luha sa pisngi. Kinabahan ako kung bakit siya umiiyak at kung anong rason bakit siya umiiyak.
'What, what happen? Why are you crying? May nararamdaman ka bang masakit o kung ano man? Dalhin na ba kita sa hospital? Baka mapano ka. Halika na, ihahanda ko na yung saksakyan, sandal lang.' Sabi ko dahil sa sobrang nerbyos dahil kinakabahan ako kung ano bang nangyayari kay Freya.
Patalikod na sana ako non ng bigla niyang hablutin ang braso ko, natigilan naman ako at humarap sakaniya ng may ekspresyong nagtatanong at nagaalala.
'I'm fine, don't worry. Over naman makareact neto. Ha-ha. Masaya lang ako sa mga nangyayari, at dahil napaka-memorable ng ginawa nating pag stargazing why holding hands. Diba ang sweet? Hi-hi.' Sabi niya na ikinapanatag ko.
Grabeee.. Akala ko kung ano na e. Baka kasi maulit yung nangyari sakaniya non, I can't allow that to happen again lalo't kasama niya ako kaya ganon nalang ako magalala at kabahan.
'You can't blame me if I overreact and overthink, because I'm afraid na baka may nararamdaman kang masama at mapano ka. Nagaalala lang ako sayo, baby. Sorry.' Sabi ko at binigyan siya ng malungkot na mukha.
'Awwww. Thank you, thank you kasi ganon ka mag react kahit hindi pa sigurado kung ba talagang nararamdaman ko, so it's means na if ever na bumalik yung sakit na nararamdaman ko always kang active at handing tulungan ako if I need. And don't feel sorry, it's my fault anyways. At baby? How cute. Sige baby nalang tawag mo sakin ah? Ang cute lang pakinggan e.' sabi niya habang nagpapa-cute.
Imature man tingnan kasi ganun yung pinapakita niya sa mga bagay-bagay but no, it's called, cuteness and innocence. Okay? Cut that word 'imature'. (A/N: Okay boss. :v)
'Babyyyy...I love you!' sabi ko sakaniya at hinalikan siya sa noo.
Gusto ko man siyang halikan sa labi niya e hindi, gusto kong respetuhin siya dahil yun ang deserve niya at ayaw kong mag take advantage sa sitwasyon niya. Kaya as much that I want to kiss him, hug him, make love with him, I can't and I don't want to. Nire-respeto ko siya tulad ng isang babae at pinapahalagahan tulad ng pinakamahal na dyamante sa mundo. Ganon ko siya kamahal.
Hindi ko na kakayanin kung mawala pa siya sa piling ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag nagkataon. Kaya sana wag muna, I mean, sana wag na talaga. Kung may forever man e gusto ko siya ang kasama ko at kapiling ko sa forever more na yon.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Fiksi RemajaMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...