Cover Photo by: Silentreader0616
Thank you very much for reading.
Focus tayo sa MayWard dami nilang blessings. Huwag tayong magpapagamit.
❤️💔❤️Nakatanaw sa malayo si Maymay habang umuuguy-ugoy sa duyan na nakasabit sa dalawang puno. Ninanamnam niya ang pakikinig sa hampas ng alon sa dalampasigan at huni ng mga ibon habang tinitignan ang paglubog ng araw.
Mag-iisang linggo na siya sa Camiguin simula noong naapprove ng handler niya ang nirequest nitong bakasyon. Pinili muna nitong umuwi at magmuni-muni. Gusto nitong makasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan. Mga kaibigan, totoong kaibigan na nagmamahal ng totoo sakanya. Hindi nito mapigilan at mapangiti ng mapait.
Bumalik na naman sa ala-ala niya ang nangyari sa isang shoot nila kasama nito Edward at Kisses na naging resulta ng biglaang paghingi niya ng bakasyon. Hindi na kasi siya makapagfocus sa trabaho. Masyado siyang naapektuhan ng nangyari.
Flashback"Edward, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kailangan ko ba magsorry, pero para saan?" Tanong ko kay Edward habang nagpapahinga kami dito sa set.
"Then you don't need to say sorry. Kasi para saan?" Sagot naman ni Edward na kasalukuyang nakaharap sa kinhihigaan ni Maymay.
"Hindi ko rin alam. Kasi baka may nagawa akong hindi ko alam at nakasakit sakanya. Dahil kaya sa mga fans natin?" - Maymay
"May, kung dahil doon hindi yun sapat na dahilan. Hindi ba mas kilala natin ang isa't isa unless talagang hindi pa talaga natin kilala ang totoong siya." – Edward
"Hey, may nanggiguilt trip na naman ba sayo?" Biglang tanong ni Edward sakanya.
"Hindi sa ganun, di ko rin naman pinapansin ang mga yun. Kaya lang lately kasi talagang hindi na ako pinapansin ni Kisses. Noong una iniisip ko baka busy lang siya kaya hindi niya nasasagot ang mga message at tawag ko. Kaya lang..." Bahagya niyang pinutol ang sinasabi niya at tinakpan ng braso ang kaniyang mata.
Ayaw niyang makita ni Edward ang pamumuo ng luha niya dahil paniguradong madadag-dagan lang ang inisi na nararamdaman nito sa kaibigan nila. O mas tamang kaibigan ko.
"Kaya lang...? I am waiting, May. Ano yung katuloy ng sasabihin mo?" Naghihintay na tanong ni Edward.
"Kaya lang noong isang araw kasi nagkasalubong kami sa hallway ng ABS-CBN hindi niya ako pinansin." Hindi niya napigilan ang pagsinghot.
"Hey, are you crying? Ano ang nangyari, hindi ka iiyak ng ganyan lang May." May pagaalala sa tono nito.
"Kasi kahit binati ko siya hindi niya ako pinansin. Tapos noong na sa loob na kami ng studio bahagya niya akong tinisod sa harap ng mga fans niya." Sabay punas sa luha.
"That's the reason of your bruised hand. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" May tono ng galit sa pananalita ni Edward.
"Kita mo nga galit na galit ka na niyan. Pero wag ka mag-alala kasi kaya ko ang sarili ko. Hindi ko bibitawan si Kisses. Kaya lang ang sakit pala, kasi kita ko sa mata niya na walang pagsisisi. Na parang gusto niya talagang gawin ang lahat ng iyon."
"Maymay, sana ganyan kalaki ang puso at ganyan kalawak ang isip ko. Ikaw na lang ang natitiyaga sakanya. Kahit siya ayaw niyang ipaglaban ang pagkakaibigan na meron kayo. So para saan pa? Sasaktan mo lang ang sarili mo." Inis na sabi nito kay Maymay.