" Balita ko may asawa kana? " rinig ko paring sabi nito.
" Yeah! "
" Cool! Sinong mag-aakala na ang isang certified Monster na katulad mo ay meron palang papatol. "
Mukhang masayahin ang isang toh. Sa tono palang ng boses niya..alam mong masaya siya.
" Why are you here? " tanong sa kanya ni Monster.
" Sinabi kasi ng manager ko na nandito ka. Kaya agad akong pumunta dito para kamustahin ka at makita ang asawa mo. So, nasan siya..kasama mo ba ngayon? " excited nitong sabi.
" At your back. "
Napalingon naman siya at tumingin sa akin. Parang gulat na gulat naman siya ng makita ako.
" Hi! I'm Kyle Chua. " nakangiti nitong sabi sa akin na nakalahad yung kamay niya sa harapan ko.
Uminom muna ako ng tubig saka tumayo sa harapan niya at deritsong nakatingin sa kanya.
" Mandy Madison. "
Tinanggap ko naman yung kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Pero agad ko din binawi ng akmang hahalikan niya ito. Napansin kung napangisi naman siya sa ginawa ko.
" Huwag kang choosy, Ms. Alam kung gusto mo rin naman eh. " nakangisi parin nitong sabi.
" Excuse me? May ibig kabang sabihin sa sinabi? " nagtataka kung tanong sa kanya.
Napaatras naman ako ng bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko.
" Alam ko namang binayaran ka ni Jaysen para magpanggap bilang asawa niya. Kaya huwag kang umasta na malinis ka. Katulad ka rin ng ibang babae na nasa club diba? "
Nararamdaman kung parang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Sino siya para bastusin ako sa harap ng
mga tao? Bakit, kilala niya ba ako?Handa na sana ako para sampalin siya ng magulat ako ng bumulagta na ito sa may sahig. Napatingin ako sa taong gumawa non. Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ang seryuso niyang mukha at yung mga mata niyang masamang nakatingin sa kaibigan niya na alam kung nagulat sa ginawa niya.
" Wala kang karapatang bastusin ang asawa ko, Kyle. Hindi mo pa siya kilala kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. " seryuso nitong sabi sa kaibigan niya.
Agad namang tumayo ang kaibigan niya, saka pinunasan yung dugo na nasa bibig niya. Medyo malakas din kasi ang pagkakasuntok sa kanya ni Jaysen.
" Mukhang natamaan kana dyan sa asawa mo ha. But, hindi parin mawala sa isip ko na yang asawa mo ay isang bayarang babae. " nakangisi nitong sabi habang nakatingin sa akin.
Susugurin sana siya ulit ni Monster ng pinigilan ko siya. Kaya nagtataka naman siyang nakatingin sa akin.
" What? Hahayan mo nalang ba na bastusin ka ng lalakeng toh? " inis nitong sabi sa akin.
Ngumisi lang ako sa kanya na ikinanuot ng noo niya.
" Sinong nagsabi na hahayaan ko na lang na bastusin ako nitong G*G* mong kaibigan. " nanggigil kung sabi.
Iniempasize ko talaga yung word na "g*g*" para maramdaman niya na kanina pa ako naiinis sa kanya. Nanggigil na ako sa kanya ha! Unang kita palang namin, pagsasabihan niya na ako ng ganun? Syete siya!
Binitiwan ko yung kamay ni Monster at taas noong humarap sa kaibigan niya na nakangisi parin hanggang ngayon.
" Alam mo, below the belt na yang pangbabastos mo sa akin ha. Bakit? Nakikita mo ba ako sa mga club na sumasayaw at makipaglandian sa mga katulad mong g*g*..para pagsabihan ako ng mga ganyang salita? " seryuso pero galit kung sabi sa kanya.
Nakukuha na din namin yung mga atensyon ng mga customer na nandidito sa restaurant. Bastos kasi itong kaibigan ni Monster eh.
Mas lumapit pa ako sa kaibigan ni Monster na nakatingin parin sa akin hanggang ngayon. Nagulat naman siya sa ginawa ko sa kanya.
" Alam mo Mr. Hindi mo pa ako kilala ng lubusan. Kaya huwag mo akong bastusin at pagsabihan ng mga walang kwentang salita, lalong-lalo na sa harapan ng asawa ko. " malamig kung sabi sa kanya.
" Kahit ano pang sabihin mo hindi parin ako maniniwala sayo, Ms. Sabihin mo na kasi ang totoo na binaya- . "
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng sinuntok ko siya sa mukha...dahilan para bumagsak ulit siya sa sahig. Nang hindi pa ako naging kuntento sa ginawa ko. Nilapitan ko siya saka tinayo kasabay non ang pagtuhod ko sa sikmura niya at mamilipit siya sa sakit. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga nakakita sa ginawa ko. Wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila sa akin pagkatapos ng ginawa ko sa hayop na toh. Kasalanan niya naman kung bakit nangyayari toh sa kanya.
" Sinasabi ko sayo, ibahin mo ako sa mga babaeng nakilala mo. Dahil kahit na kaibigan ka ng asawa ko? Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka ulit. " sabi ko na may halong pagbabanta sa kanya.
Tinalikuran ko na siya na hanggang ngayon hindi parin nakatingin sa akin dahil sa sikmura niya na namimilipit sa sakit.
Kinuha ko na yung bag ko at iniwan doon si Monster na para bang hindi parin makapinawala sa nakikita niya. Alam kung hindi niya inaasahan na magagawa ko yun. Kasalanan naman kasi ng kaibigan niya..hindi sana lalabas ang ibang side ng ugali ko kung hindi niya ako binastos. Akala ko pa naman mabait? Monster din pala. Kaya hindi na ako magtaka kung bakit naging makaibigan sila.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at doon hinintay si Monster. Wala na akong pakialam kung ano ang ginawa niya doon sa kaibigan niya. Pasalamat pa nga yun dahil yun lang ang inabot niya. Dahil kapag ako nawalan ng control, baka mapatay ko yun sa harapan niya.
Pero infairness ha, napangiti ako don sa ginawa ni Monster kanina. Hindi ko talaga inaakala na ipagtatanggol niya ako sa kaibigan niya. May kabaitan din palang tinatago ang isang yun.
Napatingin naman ako ng bumukas yung pinto ng driver seat, at doon pumasok si Monster. Napaiwas naman ako ng tumingin siya sa akin.
" Are you okay? " tanong nito ng tuluyan ng nakapasok sa loob ng sasakyan.
" Tsk! Kahit sino hindi magiging okay sa ginawa ng kaibigan mo. Tama bang bastusin ako sa harapan ng marami? He must be thankfull na yun lang ang inabot niya sa akin. " asar kung sabi na hindi parin tumitingin sa kanya.
" Dont worry. Dahil sa ginawa mo sa kanya...hindi na niya yun uulitin. " sabi nito.
Lumingon ako sa kanya. Nagulat naman ako ng nakatingin pala siya sa akin? Pero agad ko din namang binawi yung pagkagulat.
" Abat! Dapat lang. Dahil kung hindi..sa hospital na ang punta niya. " sabi ko.
Napansin ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano? Pero nakita ko siyang ngumiti ngayon.
" Hindi ko alam na matapang pala ang asawa ko. " nakangiti nitong sabi sa akin.
Naramdaman ko namang uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. Wala namang espisyal sa sinabi niya. Pero bakit nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam? Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kung malakas ang kabog nito. At hindi ko alam kung bakit nagkaganun.

BINABASA MO ANG
I'm Fallen
RandomBaril ang tanging libangan pero ang puso mo ay hindi niya paglalaruan. Kaya sa oras na ikaw ay magloko, bala ng baril ang siyang haharap sayo.